Hinati lang ni Erin, ang haba eh.
Si 'LEM' nga pala. :) Sya ay galing sa SaiLem Trilogy ni Hunnydew.. Chekitawt. :D--->
************************************************
Pagsapit ng uwian ng last subject namin, deretso lakad na kami pauwi. As usual, nakapamulsa si Vincent habang nakapasak yung earphones sa tainga nya. Kahit na pinagtitinginan kami ng mga istudyanteng naglalabasan, walang pakialam si Vincent sa kanila. Basta naglalakad kami ng sabay sa pag-uwi, tapos.
Minsan gusto ko maging katulad nya. Yung parang walang problema at walang inaalala kundi sarili nya. Parang kahit anong gawin nya, hindi nya iniintindi yung sasabihin ibang tao.
Sa bagay, wala namang kaso sa kanya kasi lalaki sya. Nasa’kin lahat ng kasiraan kasi babae ako.
Tinanggal nya yung earbud sa isang tainga nya at tumingin sa’kin. “Bakit?”
“Aahh.. W-wala.” Nababad na yung tingin ko sa kanya, nubey.
Nang dumating kami sa building ko, dumiresto na ‘ko sa taas kasi alam ko namang aalis na yan ng hindi kikibo. Hindi uso dyan ang ‘Bye,’ o kaya ‘Ingat.’.
Binuksan ko na ang pintuan ng apartment ko at nang isasara ko na, nagulat ako. Napaatras pa nga ako ng konti nang makita si Vincent na nakasunod pa pala sa’kin. “Shit men, bakit wala kang yabag? Para kang pusa.”
He shrugged.
“Bakit ka nandito?” Tanong ko.
“Sabi mo ipaalala ko sayong ipapanood mo si Dora sa’kin..”
“AY OO NGA!” Napapalakpak pa ‘ko ng isang beses. “Buti naalala mo!” Agad ko syang hinitak papasok ng apartment.
Lumapit ako sa cabinet ko para kumuha ng pamalit-pambahay at saka yung damit na pinahiram nya sa’kin nung isang araw. Iniabot ko sa kanya yung damit nya. “Oh, salamat.”
He waved his hand at me. “Wag na, okay lang. Hindi ko rin naman sinusuot kapag sinuot na ng iba.”
Tinitigan ko sya ng masama. “Ang arte mo naman.”
Hindi nya naman ako pinansin at umupo sa lapag saka tumingin ulit sa’kin. “Nasa’n yug CD?”
“Sa shelf na yon.” Mabigat kong sabi. Bahala na sya maghanap, matalino sya di ba?
Teka, anong connect? Haha!
Punta na kong banyo at nagpalit saka lumabas.