Wednesday
Kalimutan ang lalaking kapareho ng sched.
Makikita ko sya pero hindi kami magkakatabi. Hindi talaga.
Pagpasok ko ng room, inikot ko ng tingin yung room..
Wala pa si Jigsaw.
Jigsaw tawag ko talaga dun kasi.. Ang creepy nya. Yung titig nya na parang anytime mananakit sya ng tao.. tapos hindi ko talaga makalimutan yung una ko syang makita.. Nakakanginig ng buto.
Siguro kapag nagsalita yon ng 'Let's play a game.' Baka talagang tumakbo na ko pauwi ng bahay at hindi na ko pumasok, ever.
Umupo ako sa harap, sa pinakasulok malapit sa pintuan ng room. Saka ko kinuha yung all-time favourite kong libro na ‘One day’ ni David Nicholls. Ito yung librong kahit ilang beses kong basahin, hindi ako nagsasawa.
It took them 20 years para marealize na sila pala talaga yung para sa isa’t isa. Magbestfriend kasi sila na nagkakilala dahil nagka-one night stand nila ang isa’t isa. Hahaha. Ang cool lang. :))
Sa tingin ko kasi yung babae takot lang sya sumugal kasi kilala nya masyado yung ugali nung lalaki.. Eto namang si lalaki, nakakaasar. Biruin mo ba namang—-
“Is this seat taken?”
Napalingon ako! Napakapit ako sa desk sa sobrang gulat. Akala ko si Jigsaw, shemay..
Nakatitig pa rin sa’kin yung nagtanong sa’kin.. Agad akong umiling, "N-no.."
"Paupo ha?" Sabay ngiti sa'kin tapos umupo na sya. My.. Eh kung ganito ba naman kacute ang makakatabi ko, okay lang talaga umupo sya dyan.
"You're Alice, right?"
Nagulat ako, pero chos lang."Pano mo nalaman?"
"Medyo.. sikat ka kasi dito sa school kaya.." Yumuko sya at umiwas ng tingin sa'kin..
I tried to be friendly as possible. "Ikaw, anong pangalan mo?"
"Ezekiel, Pero Zeke na lang." Nakangiti sya pero hindi pa rin sya makatingin sa'kin.
Kuya.. wag ka mahiya.. nahihiya din ako eh..
Tapos dumating na yung instructor namin para sa oras na yon. Katulad nung nangyari nung monday, Minus the takutan epek, gano'n lang din ang nangyari.