"You're 30 minutes late." Sabi ng instructor sa'kin.
"I'm having trouble adjusting to the time here, Sir.. My Apologies."
Lumapit ako sa desk ng instructor at ininspeksyon ang certificate of matriculation na dala ko.. "Oh, Pastrana. You're the transfer student from England.. Can you understand Tagalog?"
"Opo."
"Do'n ka umupo."
Itinuro nya yung bakanteng upuan sa..
Bakit sa tabi pa nya? Hindi ba pwedeng mamili ng upuan katulad sa England? Saka parang highschool yung setting ng room, hindi katulad sa school na pinanggalingan ko..
Umupo ako sa tabi ni Alice nang hindi sya tinitignan.
Pastrana tapos Sevilla agad? Bakit kung kailan kailangan ng Peralta, Ramirez, Ramos, Santos, Santiago at San Pedro.. saka sila wala?
Napayuko lang yung katabi ko.
"Mr. Pastrana, please introduce yourself."
Medyo napatalon pa yung katabi ko sa kinauupuan nya nang tumayo ako. Hindi siguro nya makalimutan yung unang pagkikita namin.
"I'm Vincent Pastrana, from Oxford, England. I'm 19 years old.. I moved here few months ago.. Uhh.." I have to look awkward and innocent. Mahirap na.
"So, your parents?"
"They're both Filipinos but I was born in England.."
"Can you speak Tagalog? "
"Yes, but it would be best if the language is English.."
Tumingin si Sir sa klase. "Narinig nyo yon ha? English daw. Okay, you may sit down."
"Badtrip. Kung alam ko lang na magdudugo ang ilong ko dito, hindi na lang sana ako nag-enrol sa subject na 'to." Narinig kong sabi nung nasa likod.
Tumingin si Sir sa relo nya. "At dahil marami pang oras, you could talk to your seatmate."
Finally, I've got the chance to face her.. pero parang.. "I think we should forget about what you saw the last time." I slightly lower down the volume of my voice para marinig sya lang ang makarinig..
She nooded but I could sense that she's still afraid of me.
"And you should keep it to yourself. Alam mo naman siguro kung anong mangyayari sa'yo kapag.." Agad syang tumango ulit.
Dahan dahan syang tumingin sa'kin...
Ngumiti naman ako sa kanya para lang mapalitan ang imaheng nakita nya noong una kaming magkita. Sya pa naman ang pinakadahilan kung bakit ako bumalik ng college.
What if I tease her? Just to ease the six-day boredom?
At ang nakakatawa do'n, nakakaaliw syang tignan kapag natatakot. I wanted to laugh my ass out but i'm in school. "Hi. I'm Vincent, and you are?" At inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
Naghesitate pa sya bago tanggapin ang kamay ko..
"A-Alice.."
"Don't worry, I won't do anything to you. If only you'd keep it."
Ngayon nakatingin sya sa'kin na para bang sinusukat ako. Minsan talaga gusto ko maging mind reader, ang cool siguro kung maririnig ko yung sinasabi ng mga tao.
Tapos bigla kong napansin na tagos yung tingin nya..
Then I saw pain.. anguish.. hatred in her face. Kasabay ng pagsqueeze nya sa hawak nyang ballpen.