“MGA TITA MO?” Ay, bongga! So, hindi lang Tita nya ang nakita nya? MAGDIWANG! “Kasama ba nya ang nanay mo?”
“Patay na ang nanay at tatay ko. Ang mga batang walang magulang lang ang kinukuha ng ORG.”
Nalungkot ako sa narinig ko. “Sorry.”
Lumiko ulit sya sa pinakamalapit na kanto. Parang ang dami nyang alam na shortcut, nagdududa na tuloy ako kung nag-aral talaga ‘to sa England o isa rin ‘to sa gawa-gawa nyang storya. Pagbigyan na nga since may british accent.
“You know what? I really don’t get why people say sorry whenever someone in your family dies.”
“Nag-sosorry ako kasi baka nalungkot o nasaktan ka.”
“Bakit ko naman mararamdaman yan, hindi ko naman sila nakasama.”
“Oh, sige. Binabawi ko na sorry ko.” But to my surprise, tumawa sya sa sinabi ko kaya hindi ko na rin napigilang tumawa. Bakit ba? Tama naman yung pagbawi ko di ba? Hindi daw sya nasaktan o nalungkot.. May sayad din ‘tong kasama ko eh.
“Ano namang nakain mo’t isinama mo pa ko sa pagpunta mo sa Tita mo?”
“Rinding rindi na kasi ako sa’yo. Puro na lang ‘Tita’ at ‘chansa’ ang naririnig ko sa’yo simula nung sinabi ko sa’yo ang tungkol sa kanila. Hayop, laspag na laspag na tainga ko kakasabi mo araw-araw. Baka bukas mabaliw na ‘ko kakaulit mo ng Tita dyan.”
Sa tono ng pananalita nya parang tutusukin nya ko ng tinidor kung may hawak man sya. Hahaha! Pero MAGDIWANG ULIT! May nagagawa rin pala ang pagkulit ko. hahaha! Pero nagutom ulit ako nung naalala ko yung pagkain.. “Pwede bang kumain muna tayo?”
“May stop over sa SLEX, dun na lang tayo kumain.”
“SLEX PA?!” Kakalabas lang namin sa Makati Avenue, dadaan pa kaming Buendia tapos SLEX.. “Mamamatay na ko nun.. Kakainin na ng large intestines yung small intestines ko..”
Luminga-linga naman sya sa paligid. “May malapit ba na kainan dito?”
At ang masaklap na sagot. “Ewan ko..”
Sakto pagliko namin, nadaan kami sa 7-Eleven kaya huminto doon si Vincent. “ANONG GAGAWIN NATIN DITO?!”
Ngumisi naman sya sa’kin. “Papasabugin natin.”
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya na sya namang nagpatawa sa kanya ng malakas. Tarantadong bata talaga ‘to, lagi na lang nananakot. Yung mga biro kasi nya eh.. parang kaya nya talagang gawin.. Shemay to the bones.