Chapter 13

25.5K 282 27
                                    

Friday na pero iniisip ko pa rin kung pa'no ako makakapagdaos ng slumber party.. Nagdodoodle pa ko sa likod ng filler ko.. Nakakatamad talaga pag simula pa lang ng prelims. May hang-over pa 'ko sa summer.

"Aristotle.." Narinig kong sabi ng instructor namin. Pati ba naman Psychology kinamkam? Sawsaw na sya sa Math, sa English.. Sa History.. Pati ba naman sa Psychology? San pa ba sya lalabas? Baka may self-titled album din to ah?

Isinulat ko na rin yung pangalan ni Aristotle para matandaan ko..

Aristotle = Coming soon.. Self-titled album 

"Psychology.. It is the study of responses of individuals to a given stimulus situation.."

Aahh.. So pag ginising ko tong katabi ko, yung paggising yung stimulus situation.. Tama ba? Tapos yung respond nya.. either titigian na naman nya ako ng masama ko hindi nya ko pansinin..

Wala akong makausap dito.. Sana iba na lang ang nakatabi ko. Mababaliw na yata ako, kinakausap ko na yung sarili ko, shet. Hindi naman ako pwedeng lumingon sa likod o ano..

Isipin ko na nga lang yung sa slumber party.

Mukhang magagastos ko yung sweldo ko ngayon.. Ano bang ginagawa sa slumberparty? Hindi pa kasi ako nakakaranas nun sa buong buhay ko..

Magluluto kaya ako?

Plano ako ng plano, wala pa ngang lugar..

Sinilip ko muna yung cellphone ko..

3 messages.

Unregistered Number  *Swipe*

Unregisterd number ulit.. *Swipe*

Baby Love <3

Nagulantang ako sa huling nabasa ko. Bakit magtetext si Lester? Dali dali kong binalik yung message at tinitigan yung message.

Baby Love <3

:’( 

 Biglang bumilis yung tibok ng piuso ko dahil sa text na yon.. Babalik na ba sya sa’kin? Napalingon ako sa gawing kinauupuan ni Lester.. Nagnonotes sya habang nakafocus sa instructor namin.. Anong kailangan nya?

"Pastrana," 

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon