Chapter 26

24.1K 274 25
                                    

 A/N: Wag magsasalita yung mga nakabasa ng Spoiler.. Hahaha!

Erin ★

 ******************************



Pagdating namin sa Japan, sa laptop na lang nakatingin si Drew. Minsan hindi na sya natutulog kaya sabi ko sa last week na lang namin gawin yung assignment namin. We’re staying here for 3 weeks to a month, depende sa mood namin.

“Ano bang ginagawa mo?” Naglapag ako ng kape sa side table nya saka tumabi sa kama.

“Tinitignan ko kung mahahack ko yung files ng ORG.”

“ANO?!”Gago ba sya?

“Hindi kasi ako kumpyansa sa nakita kong impormasyon tungkol kay Vincent.”

“Itigil mo na nga yan. Mapapahapak ka dyan.”

“Ibang IP address gamit ko.”

“Kahit na!” Pilit kong sinasara yung laptop nya pero pinipigilan nya ko.

“TEKA!” Hawak nya yung monitor ng laptop.

“Alam mo ba kung anong ginagawa mo ha, Drew?!”

“Alam ko. Kukunin ko lang yung files ni Vincent, yun lang.”

“Pa’no kapag--”

“I know what I’m doing. Kaya ko ‘to.”


“Pero.. ” Mahirap kalabanin ang ORG.. He should know that.


“Kung patay na talaga ang mga magulang ni Vincent, I’ll let go of this. As easy as that. Kailangan ko lang talaga ng matibay na pruweba na patay na talaga ang mga magulang nya. Hindi kasi ako matahimik kakaisip dahil sa walang background profile ang nanay at tatay nya.. Pwede ba yon? Eh hindi naman assassin ang nanay at tatay nya. At saka ang alam ko pag nagkaroon ang assassin ng anak, pinapatay din yung anak ng ORG.”

“Okay lang naman kay Vincent na patay na ang mga magulang nya di ba?”

“Alam kong hindi rin naniniwala si Vincent kahit hindi sya nagsasalita.” nakatingin pa rin sya sa monitor.

“Let it go.”

“Nangako ako kay Vincent, Lily. Alam kong umaasa sya sa’kin..”

“Hindi yung extent na mapapahamak ka..”


He cupped my face then looked at my eyes. “Hindi ako mapapahamak, okay?” Saka nya ko inakbayan. “Ano ba yang dala mo ha? kape? Hindi ka ba nagsasawa sa kape?”

“Ayaw mo??” Napasimangot ako.Tatlong araw ko na nga sya inaasikaso tapos..

Kinuha yung mug at ininom.“Aahh.. Ang sarap sarap nga nitong kape na ‘to. Syempre gusto ko ‘to. Ito ang pinakamasarap na kape na natikman ko sa buong buhay ko. Balance na balance talaga yung tubig sa dami ng 3-in 1.. Masarap.” Then he smiled at me.


Natawa naman ako dun. Haha! Kinurot ko yung tagiliran nya sabay tayo.

“Aaww!”

“Magluluto na ‘ko ng hapunan!”



Nagrent kami ng isang maliit na apartment dito, okay na para sa dalawang linggo hanggang isang buwan na paninirahan. Bukas ko na lang aayain si Drew na mag-grocery, mabubuhay pa naman kami sa Yakisoba para ngayong gabi. Hahaha!


________________________________________________________________





Naglalakad ako papunta sa first class ko nang maalala kong naiwan ko pala yung beanie ko sa likod ng building. Tulog pa ata ang diwa ko nang bumangon ako kahapon para ihatid si Alice sa CMAN.

I knew I’m late but I don’t give a single fuck. Hindi ko naman kailangang pumasok. Lumiko ako sa gilid ng building, sana hindi nadumihan yung beanie ko.

What I didn’t get was, Alice has been avoiding my stares for days. She answers in brief phrases that it becomes awkward for the both of us. It’s not like we had sex right? As I said, it’s no big deal.



“So, hindi ka binalikan ni Alice?”

“Dumating kasi yung transferee kaya hindi ako nakabwelo,”

Napahinto ako. 



“Sino?”

"Yung katabi nya sa Psyche. Badtrip yun, ang sarap sapakin.”

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon