BOGHS! PAK! PAK!
SUNTOK! SIPA! "AAAHHHH!"
"MAY ESPADA AKO!" *SHIIIIIING!!!*
Spotlight kay Roronoa Zoro na gamit ang tatlong espada. Biglang nalaglag ang panty ni Erin. De joke lang, yung susunod na ang totoong laman ng chapter. XD
******************************************************
Hanggang sa makauwi kami ni Vincent ay hindi pa rin nya ako kinakausap. Alam ko namang mali yung ginawa ko’t nag-inarte ako pero gusto ko na talaga himatayin nung mga panahon na yon, bitiwan nya lang ang braso ko habang tumatakbo kami kanina.
Hindi naman ako tanga para i-assume na natalo ko talaga sya sa air hockey. Ang nakakagulat do’n, pinabayaan nya akong manalo kahit first time ko lang maglaro noon. Mas iniisip ko kasi ang mga assignments at projects ko, kung anong araw ako maglalaba at magpaplantsa, kung anong kakainin ko para bukas, ang shift ko sa trabaho kaya wala na kong oras para maglaro pa. Lalo na dun sa baril-barilan, biglang tumining ang utak ko nang ipatong nya ang baba nya sa balikat ko. Sobrang lapit ng mukha nya sa’kin na.. wala na. Wala na kong naisip kundi kung anong susunod na gagawin nya. Ilang beses ako napalunok at napayukom pa ang mga daliri ko sa palad ko..
Ikaw kaya sa kinalalagyan ko? Tignan ka nga lang ng kras mo for three seconds, halos mangisay ka pa, eh pa’no naman ako? HINAWAKAN ANG BRASO KO! IPINATONG ANG BABA NYA SA BALIKAT KO!
Tanginang buhay yan. Hindi ko alam kung swerte ba ‘tong nangyayari sa’kin o kamalasan eh. Hindi ko rin alam kung matutuwa ako o maaasar dahil sa tuwing didikit ako sa kanya o sya sa’kin, nagiging alerto ako sa buong paligid ko at parang may panginginig na nagaganap, magdikit lang ang mga balat namin..
Siguro wala lang sa kanya yung mga ginagawa nya kanina sa’kin pero sa’kin, sa nararamdaman ko, sobra na ang epekto nito. Hindi pa nya kasi nararanasang manlambot o kahit kabahan man lang dahil sa may gusto syang tao. Kahit nga siguro kabahan lang, hindi pa nya nararanasan.
Kaya nga kahit pagod na ko, inaya ko pa rin si Lem na pumunta sa Dance Central para naman matanggal kahit konti yung nginig, panlalambot at pagtining ng utak ko. Pero lecheng takbuhan yan tapos ng kahihiyang ginawa namin, lalo pa ‘kong kinilig dun sa pagtakbo namin.. Kaya ko nagawa yon. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko.. Gusto kong sabihing.. ‘Teka lang, anong next move? Kakalma lang ako sandali. Bigyan kita cue kapag pwede na ulit.’
Eh kasi naman, mas komportable akong masungit sya dahil ganun naman talaga sya sa’kin dati pa. Mas madali sa’kin ang pakisamahan sya. Pero yung mga ginagawa nya nitong mga nakaraang linggo.. kahit alam kong normal lang naman talaga kasi ganun din sya makipag-usap kay Avery at Janice.. parang iba ang dating sa’kin. Nawawalan na naman ako ng utak katulad noong nangyari sa’kin noong maging boyfriend ko si Lester. Kapag nga nakikita ko sya ngayon sa klase, nagtataka na rin ako kung anong nagustuhan ko sa kanya.
Pinipigilan ko ang nararamdaman ko kasi alam kong aalis din naman sya. Ako lang din ang mahihirapan kung papabayaan ko lang mag-grow ito pero sa ginagawa nya..