A/N: Nasa external link ang story ng SaiLem, pangatlong book yan. Hanapin nyo na lang yung una at pangalawang book sa Profile ni Hunnydew, hindi kayo magsisising basahin yon. :)
Let the games begin.
******************************************************************
Pumunta muna kaming MOA para bumili ng pagkain na babaunin sa loob ng Arena nang may magustuhan akong shirt ng UP. Caricature ang design, may pangbabae at panglalaki. As expected, ayaw ni Vincent.
“Wala bang ibang design?” Tanong nya sa saleslady.
Sabi ko nga required bumili kahit hindi naman, bumili lang sya. Hindi naman kasi nagsusuot ng doodle-doodle at caricatures na design ‘to. Madalas plain at neutral colors lang ang nakikita ko, tapos walang design.
“Wala po Sir.. Ibang school na po kasi kapag ibang design.”
“Okay na yan, late na tayo. Pipila ka pa para bumili ng ticket.” Nakalimutan ko kasi sabihin, ayan. Alangang umalis naman ako mag-isa, magagalit ‘to. Wala rin syang nagawa kundi bilhin at suotin yung shirt.
Pagdating namin sa entrance ng MOA Arena, may lalaking nag-abot sa kanya ng ticket tapos umalis na.
“Ganun lang yon?”
Tumango lang sya at pumasok. Grabe, parang ang dami nyang utusan. Kasi kahit naman dati kapag umaalis ako, hindi ko sinasabi pero nalalaman nya.
“Pa’no mo nagawa yon?”
“Ang alin?”
“Yung parang isang pitik mo lang, boom! Meron ka na agad, alam mo na lahat.”
Natawa na naman sya. Bakit ba? mali ba yung sinabi ko? “Connections and money. Kakilala sila lahat ng kuya ko.”
Pagpasok namin sa loob, kumapit sya sa braso ko at nauna sa loob para bigyan ako ng komportableng daan. Medyo nagsisiksikan na kasi at nagkakatulakan. Nang mapansin nyang kami lang ang nakasuot ng shirt..
“You evil liar.”
Nagkibit-balikat lang ako. wala na rin naman syang magagawa dahil nasuot na namin yung shirt. Nagkataong nagvibrate naman ang phone ko at sinagot ito. Nakita na pala kami ni Lem na naglalakad at nagreserve na pala sya ng upuan para sa’kin, buti walang nakaupo sa tabi ko.
Nang magsimula ang game, medyo kalma pa ko pero nang dumating ang second quarter, halos ilabas ko ang lalamunan ko sa kakasigaw. Yung mga free throws na mintis, bola na naaagaw, pati technical foul sinigawan ko. Syempre mas napapalakas ang sigaw ko kapag nashohoot yung bola. Feeling kasali sa game kahit hindi naman.