Masaya ang naging pasko ko kasama si Ate Lem at ang buong Zaldivar. Ngayon ko lang kasi ulit naranasan na magkaroon ng mga kasama na masayang makita ako sa hapag kaninan nila. At bumungad ba naman sa'yo ang isang malaking christmas tree na nakasabit ng patiwarik sa gitna ng maharlikang mansyon, sasaya ka talaga. At take note, fully decorated ang christmas tree with matching star na kumukutitap sa tuktok ng puno, which is ilang inches lang ang pagitan sa maharlikang tiles ng bahay.
Iba talaga kapag mayaman ang inatake ng saltik, nakakamangha.
"Alice, ang bibig. Isara." sita sa'kin ni Ate Lem.
Biglang napasara ang bibig at binasa ang mga labi ko, kaya pala feeling ko tuyo ang lalamunan ko.
At ang handa sa noche buena, lahat ng '-do' nando'n. Menudo, Mechado, Asado, Embutido, Camaron Rebosado, Adobo, Afritada.. Ay, basta sounds alike, pwede na yan. Nakakatuwa rin isipin na kumakain rin pala sila ng pinoy na ulam, akala ko kasi yung mga hindi kilala lang ang kinakain nila.
Syempre hindi nawala ang tanong na 'Nasa'n ang kasama mo nung bakasyon sa Palawan?' na galing kay Ate Carlene at sumagot naman ako.
"Pinabalik po ata sya sa UK para doon na lang magtuloy ng pag-aaral."
Nagulat naman ako nung magsorry sya sa'kin dahil mapagkamalan nyang may relasyon kami ni Vincent at inilagay sa isang kwarto. Sabi ko naman okay lang at gentleman naman ang kasama ko noon kahit pinatulog nya ko sa sofa. Syempre hindi ko na sinabi yung huli.
___
Isang linggo bago umalis si Brix pabalik ng Australia at ilang araw bago magbagong taon, nagpasama sya sa'kin sa Alabang Town Center na malapit sa tinutuluyan namin para bumili ng mga pagkain na dadalhin nya pabalik ng Australia. Nagbabakasyon lang pala sya dito tuwing holidays para makasama ang pamilya nya na nakabase rito.
Nag-ikot muna kami sa mall habang nagkukwentuhan. Nasabi ko na naman lahat simula nung bata ako hanggang mapadpad ako dito sa maynila at nakapag-aral ng nursing. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin..
"Sino si Vincent?"
"H-ha?" Natigilan ako sa tanong ni Brix habang naglalakad kami papunta sa isang souvenir shop na nagbebenta ng mga pagkaing pinoy.
"I'm curious.. I heard the name few times.." Patuloy pa rin sya sa pagpili ng peanut brittle na ilalagay nya sa basket namin.
"Kaibigan namin nina Kuya Sai at Ate Lem. Kasama namin sya nung pumunta kami sa bahay nila Kuya sa Palawan."
Ibinaba nya ang peanut brittle na hawak at binigyan ako ng diskumpyadong tingin pero nakangiti na parang inaasar ako. "Kaibigan mo lang?"
Napasimangot ako. "Pati ba naman ikaw?" Ilang beses na kong tinatanong at depressing lagi ang sagot ko.. "Tama na.. pagod na kong mag-explain ng kung anong meron sa'min kasi wala naman talaga.. Ako siguro meron, pero sya.."