Chapter 10

29K 285 24
                                    

Sa gilid yung kinanta ni Alice. :)

Kung gusto malaman kung sino yung si kuyang customer na kumuha ng number nya at kadate, basahin ang story ni Hunnydew na Problem Best Friends! Kagandang isturya kahit nagsisimula pa lang.. (Dahil collab nga to, alam ko na kung anong susunod pero hindi detailed. Hahaha. XD)

 Dedicated kay Potchiebee. Salamat! :)

Erin ★

******************

 

 

Tuesday

Umaga na pero hindi ko pa rin alam kung anong iisipin ko..

Tapos ko maligo at mag-ayos, lumabas na ‘ko ng apartment. Hindi na nga ako pumasok kahapon, late pa ko ngayon?

Kahapon..

Sa totoo lang, hanggang ngayon takot pa rin ako. Medyo nililigid ko muna yung tingin ko bago maglakad.. kapag naaalala ko..

Ayoko nang alalahannin. Sobrang nakakapanginig sa laman yung nangyari. Buti na lang talaga napadaan si Vincent, kung hindi baka pinaglalamayan na ‘ko..

Pa’no pala ako paglalamayan kung nag-iisa na lang ako di ba?

Maagnas na lang ako dun nang walang nakakaalam..

Hindi naman ako naiinis kasi nawala yung bag ko.. dun ko lang talaga binubunton yung asar ko kasi nung mga panahon na yon, pakiramdam ko ang hina-hina kong tao. Hindi ko man lang nadepensahan yung sarili ko.. Pero hindi ko din naman akalaing yung pagkainis ko dahil sa nawala ko ng bag e magreresulta sa pagpunta namin sa mall ni Vincent..

He even bought me a brand new phone!

Secondhand nga lang yung nawala ko tapos ngayon.. Sya na nga yung sumagip sa’kin sya pa yung napagastos.. Hindi rin makapal mukha ko e no? Shemay.

Nung bumili sya ng pagkain, sobrang tagal nya kaya nagluto na lang ako. Pagbalik nya sa apartment, dalawang bag ng grocery ang dala nya, sabay sabi nang, “Gusto ko lang magcelebrate.”

Sarap murahin.

Tapos nung nangyari sa’kin kung makapagsabi sya ng celebrate, wagas?

Since hindi na ‘ko makaangal dahil sagot naman nya yung grocery at syempre dahil nakapagluto na ko, sa’kin na napunta yung mga grocery nya. Syempre tiba-tiba naman ako dun, ang saya din kahit papa'no. Aabot ng three weeks sa’kin yun. Laking tipid.

Pagdaan ko ng hallway ng school, marami na naman ang bumati sa'kin.

“Hi Alice,” Bati nung isa pero hindi ko pinansin.

“Miss Sungit, Goodmorning!”

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon