A/N slash Babala: Spoiler po 'to ng SaiLem sabi ni Hunnydew. Hahaha! And thank you for proofreading, bingot mata ko eh. hahaha! :S
*********************************************************************Sobrang sarap mag-inat sa malaki at malambot na kama kung saan nalulunod ako sa maraming unan at magandang interior ng kwarto na tinulugan ko. Modernized filipino setting ang lugar na parang capiz ang bintana na may gold na kurtina at kahoy na furnitures. Maroon at puti ang bedsheets at punda ng mga unan na may gold na burda sa mga ito. Mas magarbo ang kwarto ni Kuya Sai kung ikukumpara sa kwarto namin pero pakiramdam ko mas masaya sya doon kaysa dito..
Pero mas okay maging malungkot sa maharlikang kwarto kaysa sa apartment kong patapon, di ba?
Masaya akong bumangon para binuksan ang gold na kurtina at bumungad sa’kin ang napakagandang view ng Manila Bay.. siguro alas-osto o alas nueve na ng umaga base na rin sa init ng sikat ng araw na tumatama sa glass na bintana ng kwarto. Hindi na kailangan ng ilaw dahil sakop na ng sinag ng araw ang loob na lalong nagpaganda sa kwarto.
Dali-dali akong tumakbo sa mini kusina malapit sa kama at shet, mayaman nga ang nakarent nito. May coffee maker at brewing machine katabi ng broadsheet na nakapatong sa isang malawak na marmol na counter. Sa kabilang dulo nito nakahilera ang iba’t ibang brand ng wine at isang malaking basket ng mga prutas. Ang alam ko mas matagal na nakastock ang wine, mas mahal ‘yon.
Napahigit ako ng hininga nang maalala ang banyo kaya napatakbo ako sa loob nito. Marmol din ang buong lugar at may LCD TV na nakainstall sa dingding sa tapat ng bathtub.
“Sinong nanonood habang naliligo, di ba?!”
Sinagot rin ako ng utak ko; Ang mayayaman syempre.
Umupo ako sa tabi ng bathtub at nagpatulo ng tubig. Ay teka, bago ako maligo kailangan ko ng pamalit. Tumakbo ako ng mabilis para pumunta sa cabinet para kunin ang duffel bag ni Kuya at tuxedo na nakasabit sa loob saka pumunta sa elevator.
Naubos ko na ata yung kuko ko sa kanang kamay nang magbukas ito at sa sobrang inip ko, gusto ko nang palabasin lahat ng tao sa loob. Nang makarating ako sa floor nila, bigla akong nagdalawang-isip na kumatok.
Hindi ko naman sila maiistorbo kung kukunin ko yung mga gamit ko, di ba? Hindi naman ako aabutin ng five minutes sa loob, malapit lang naman yung cabinet namin sa pinto.
Marahan kong nilapat ang tainga ko sa pinto at.. wala namang hindi kanais-nais na tunog. Saka pa lang ako kumatok ng tatlong beses. “Ahh, Kuya? Ate? Kunin ko lang yung mga gamit ko..”
Umatras ako para mag-give space at hinanda ang sarili sa makikita. Dalawang scenario lang ang inaasahan kong mangyari.
a. Si Ate, magulo ang buhok at bagong gising.
b. Si Kuya, magulo ang buhok at bagong gising. Nakangiti.
Pahugot pa lang ako ng hininga nang bumukas ang pinto.