Chapter 80

9.8K 200 31
                                    

 A/N: Dapat sa isang linggo pa 'ko maglalabas ng UD kaso regalo ko na sainyo to. hehe.

REMINDER: Yung huling parte po ay naglalaman ng.. mga bagay na hindi para sa bata. Wag nyong sabihin na hindi ko kayo binalaan. Hindi ko na masyadong dinetalye ang nangyari para kung sakaling may mga pasaway na batang tutuloy, konting dumi lang ang maiaambag ko sa utak nila. Charot. Hahaha!

******************************************

Bandang alas kwatro ng hapon nang dumating ako malapit sa compound kung saan nakatira ang pamilya ni Bea at Tinay. Oh sige na nga, sa squatters’ area nakatira ang pamilya nila kasama ng nanay.

Sa tabi ng maduming creek nakatayo ang dikit-dikit na mga bahay na yari sa pinagtagpi-tagping plywood at dos-por-pos na kahoy ang mga dingding at bubong. Samu’t sari ang kalat sa lugar at maalinsangang panahon pero hindi alintana ‘yon ng mga batang nagtatakbuhan sa ilalim ng init ng araw habang naglalaro ng bingo ang mga matatanda sa ilalim ng asul na tolda na pananggalang sa sinag ng araw.

Ang totoo nyan, gusto kong ialis ang pamilya nina Tinay sa lugar na ‘yon pero alam kong hindi pwede. Aminado akong nagalit ako sa desisyon ng sarili kong ina na ibenta ako para ipangtawid sa gutom ng pamilya, ibinigay sa mga taong hindi naman kilala pero nang makita ko kung gaano kahirap ang buhay ng pamilya ko.. hindi ko sila masisi. Naisip din siguro niyang mas may kinabukasan ako kung ibang tao ang magpapalaki sa’kin kaysa masadlak sa kinalalagyan nila. Na makakapag-aral ako ng ayos, mabubuhay ng matino at masagana kaysa magpakahirap na maglaba ng mga maruruming damit ng ibang tao para sa kaunting halaga.

Lumabas ako sa kotse at naglakad papunta sa compound. Hindi pa man ako nakakalapit, tumakbo na si Bea papunta sa’kin habang isinisigaw ang pangalan ko. “Ate Lily!”

Nang marinig ni Tinay ang sigaw ng kapatid, lumingon din ito sa gawi ko at tumakbo kasama ni Bea. Pareho silang yumakap sa magkabilang binti ko at hindi ko maiwasang makaramdam ng saya. Minsan talaga, yakap lang ang kailangan ng tao para maibsan ang lungkot at sakit kahit sandali lang. At least masaya silang makita ako ngayon.

Hinila ni Tinay ang laylayan ng damit ko. “Ate, Ate. Sabi ni Lola gusto ka daw po niyang makilala.”

“Di ba sinabi ko nang hindi niyo pwedeng sabihin na pinupuntahan ko kayo?” Pasuyong sabi ko nang humiwalay ang dalawa sa’kin.

Magtatatlong taon ko na yatang binibisita ang dalawa pero kahit minsan hindi ko sinubukang lapitan ang nanay. Sa dalawang anak na natira sa poder niya, humiwalay ng tirahan ang bunsong babae dahil nag-asawa at hindi na umalis sa bahay ang panganay na lalaki. Isinama ng huli ang asawa niya bahay ng ina at eto ngayon, nagbunga ng siyam na taong gulang na si Tinay na sinundan ng pitong taong gulang na si Bea.

“Hindi po namin sinabi ang pangalan nyo, Ate. Gusto lang daw po niyang magpasalamat ng personal sa inyo,” sagot ni Bea.

Inabot ng bunso ang kamay ko para hilahin papunta sa bahay nila pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. “Hindi pwede, Bea..”

Hinawakan ko naman ang isang kamay ni Tinay at nagsimulang maglakad papuntang kotse. “Sa’n niyo gustong pumunta?”

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon