Chapter 28

23.5K 245 10
                                    

A/N:  For Elolilin. :) Kabirthday nya si Drew.. Ayiee.. haha!

Sa mga nakabasa ng post ko sa FB, alam nyo na yon. Sa mga hindi add nyo ko. De joke lang. haha! Basta iko-quote ko lang yung laging sinasabi ng isa sa mga Legend at peborit author ko dito sa watty na si BlackLily,

'The more you demand, the less you'll receive.'

--Erin ★

***********************************************



Pagdating namin sa apartment, binaba ko lang sa sahig yung dalawang malaking bag na dala ko saka umupo sa sofa.

Inaantok talaga ako..

Tinignan ko lang si Ella na kunin at hilahin yung dalawang bag na dala ko saka inilapit sa mesa. Natawa ako. para lang kasing humihila ng patay para ibaon sa ilalim ng lupa.

Tapos humarap sya sakin habang nagtatali ng buhok. “Anong gusto mong ulam?”

Mas maganda sya pag nakalugay buhok. Pero syempre maganda pa rin sya pag nakapusod. Sa suot nya ngayong tshirt at jeans, walang panama yung models na nakikita ko sa mga billboards. Kumbaga yung katawan nya, hindi pagtapos ng balat, buto agad. May laman talaga.


“DREW.”


“Oy?” Shet, nagdedaydream na naman ako. “Kahit ano. Basta yung edible.”

Inirapan nya lang ako saka tumalikod. “Sorry ah? Trained assassin po ako, hindi trained chef.”

Inabot nya yung apron na nakasabit sa gilid ng ref saka isinuot. habang nagtatali sya ng apron..  Balingkinitang beywang.. Sya yung perfect definition ng ‘sexy’.. Talagang may kurba yung katawan nya.. Akala ko ba inaantok ako?



Makapikit na nga lang. Baka kung saan mapunta ‘tong naiisip ko.

____________________________________________________________________

Sya kaya magluto? Hayop. Kitang ngayon lang ako nakahawak ng syanse, kung makaokray akala mo may certificate of completion ako galing sa culinary school. Sakalin ko kaya sya..

Paglingon ko, tulog na agad ang gago.

Hindi ko mapigilang tumawa dahil naalala ko yung nangyari kanina sa grocery store. Para syang nawawalang bata.. Gala nang gala ang tingin nya sa buong store at talagang hinahanap ako. Parang batang nawawala sa park. tapos nung tumingin sya sa’kin..


EEEhhh... HAHAHAHA! Wag kayong ganyan.. Nagmumurang kamatis ang lola mo. hahaha!


Makabalik na nga sa-- “AAWWW!!” Bigla kong napaso sa niluluto ko.. “Shit.”


Lumingon ako kay Drew.. Hindi naman nagising. Kung kanina nakaupo pa syang natutulog, ngayon naka higang patagilid na ang porma nya. Bigla tuloy akong naawa sa kanya.. Bakit ko pa kasi ginising?


Konti lang ang niluto ko dahil wala na kong balak pang gisingin yung kasama ko. Pustahan, tumutulo na laway nyan ngayon.

Dumiretso na 'ko sa kwarto para kunin yung laptop at manood ng movie sa sala. Hindi ko rin naman maiintindihan yung mga channel pag binuksan ko yung TV. Paglapag ko ng laptop sa mesa, umupo ako ng pa-indian sea saka hinintay magbukas.

Nilingon ko muna ulit si Drew na nakanganga na tumutulo na ang laway ngayon.. Natawa ako ng konti pero pinigil ko. kumuha naman ako ng tissue at pinunasan yung.. yeah. Haha. Nagsalalay naman ako ng tissue sa tapat ng bibig nya, nahiya naman ako sa sofa. Nakikihiga na nga lang sya, magdudumi pa sya.

Nang magbukas yung laptop, naghanap agad ako ng movies over the internet.. Feel ko maghorror ngayon. Mapanood nga si Emily Rose. Hehe.

‘Devil Hour’ pala yung 3AM. Madalas mga ganyang oras kami pumapatay eh. Wala namang koneksyon yun sa devil hour pero yun kasi yung oras na walang masyadong tao.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon