Chapter 85

9.4K 306 73
                                    

AN: Sa mga nag-eempake na para sa pag-alis ni Vincent, sige po. Ipush nyo po. Saka mas maraming may gustong sumama si Alice.. tatlo lang ata ang nagsabing hindi sila pabor. Anyare sa kabataan? Kayo ang pag-asa ko! Hahaha!

Ay, tanong lang. Bakit yung iba, 'Ms. A' ang tawag sa'kin? Sa pagkakaalala ko, LaceyErin ang username ko..? May nangyayari bang hindi ko alam? Hahaha.

*****************

Pesteng group study ‘yan, hindi ko alam na ganito kalayo ang bahay na sinasabi nila. Wala pa ‘kong kasama dahil simula nang umalis si Vincent noong gabi na ‘yon, hindi na sya nagpakita sa’kin.. Sinubukan kong tumawag pero hindi pa rin nya sinasagot kahit ang huling tawag ko kaninang umaga.

 

Hindi ko alam na ganito pala ka-pribado sa kanya ang buhay nya.. hindi ko naman intensyon na manghimasok.. Napakamot na lang ako sa batok at kinuha ang phone para tumawag sa mga kaklaseng iniwan ako.

 

[Ano? Nasa’n ka na?] Tanong ni Avery pagkasagot nya.

 

“Hindi ko nga alam eh..” Iginagala ko ang mga mata ko sa buong lugar para makahanap ng landmark na pwedeng sabihin para naman matulungan nila ako kahit konti.

 

[Patay tayo dyan.]

 

Tumingkayad pa ‘ko dahil sa dami ng taong naglalakad sa lugar. “Basta may nadaanan akong park dito—”

 

[Malapit ka na! Sige lang, diretso ka sa..] Hindi ko na naintindihan ang huling sinabi ni Avery dahil nahagip ng mata ko ang mabilis na paglalakad ni Vincent paalis ng park na tinutukoy ko ngayon-ngayon lang. Nakasukbit sa isang balikat ang backpack na laging dala at parang may hinahabol.

 

Mabilis kong binaba ang phone na hawak at lakad-takbong tumawid para habulin ang lalaki na sinasalubong ang mga taong humaharang sa dinadaanan nya.

 

“Vincent!” Sigaw ako ng isang beses pero hindi sya natinag kaya inulit ko ang pagtawag sa kanya. Doon na sya huminto pero hindi lumingon sa’kin.

 

“VINCENT!”

 

Dali-dali akong tumakbo at nag-excuse sa lahat ng tao para lang makadaaan ako. Nang mapunta ako sa harap nya, parang wala pa rin syang nakikita kaya tinapik ko sya sa braso. “Sabi ko na nga ba, ikaw yan!  Anong ginagawa mo dito?”

 

Imbis na sumagot, tinitigan nya lang ako. Para syang namatanda sa itsura nya. “May nangyari ba?”

 

Nakuha ko ang atensyon nya at tumingin sa’kin pero parang wala sya sa sarili dahil kahit na may taong nakabunggo sa kanya, hindi pa rin nya ininda ‘yon. “Vincent?”

Ilang segundo pa ang lumipas bago talaga nya napagtantong kakilala nya ang nasa harap nya at hindi ko inaasahan ang ang unang mga salitang sasabihin nya sa’kin matapos ang dalawang araw na pagkawala nya. “I want to run away.”

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon