Dalawang araw nang lumipas pero hindi ko pa rin alam kung totoo o panaginip ang nangyari sa’kin. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung pa’no nalagay sa apartment ko ang backpack ko at nakauwi ako ng ayos.
Kinalong ko ang palad sa baba ko.. Di kaya nanaginip lang ako? Tapos sa sobrang pagod ko, binangungot ako?
May nga panaginip naman na parang totoo, di ba? Ininspeksyon ko pa nga ang bag na dala ko pero walang kahit anong dumi na palatandaang nilaglag ko yon sa likod ko. Nakabihis pantulog ako paggising ko noon at kung saan ko nilalagay ang gamit ko, doon sila nakalagay.. nababaliw na yata ako.
Yung si Kuyang matangkad na kayumanggi.. totoo kaya sya? Hindi naman ako tumitira ng drugs.. bakit gano’n? Feeling ko nagha-hallucinate ako.
“Nakabusangot ka na naman?” Bati ni Janice sa’kin at umupo sa tabi ko. Napaaga ata sya ng 15 minutes?
“Feeling ko nagha-hallucinate na ‘ko.”
Ubod ng lakas nyang tinabig ang kamay ko kaya tumama ng solid ang noo ko sa desk. Nagtinginan ang ibang tao sa classroom, hindi ko alam kung dahil sa galabog na gawa ng pagkakauntog ng noo ko o sa sigaw ko. “Umagang-umaga, nakapangalumbaba ka. Tamad na tamad ka na ba sa buhay mo?”
“Pwede namang sabihin di ba?!”
“Ayaw mo nyan, sure ka nang hindi ka nagha-hallucinate from now on?”
Inambahan ko sya ng palo pero.. “Oh, oh. OH! Sige, subukan mo. Wala nang magtatanggol sa’yo.”
Saka ko lang na-realize kung sino ang tinutukoy nya.. bigla nya na lang akong inakbayan sabay kanta ng, “HAPPY! Shalala.. It’s so nice to be HAPPY! Shalala..”
Wala naman akong magagawa kundi tumawa lang.. masakit din talaga yung noo ko. di bale, makakaganti rin ako, maghihintay lang ako ng tamang oras. Di porke masaya sya ngayon, gagantuhin nya ‘ko.
Syempre alam ni Janice kung ang nangyari except dun sa ospital na ang sabi ko eh na-holdap kami. Umiyak din ako sa kanya habang nagkukwento kahit pinipigilan ko at naiintindihan nya naman daw ako. Sabi pa nga nya, “Nung iniwan nga ako ng boyfriend ko, gusto ko nang magpakamatay. Pero ngayon..” ngumiti sya ng pagkatamis-tamis.
Kahit naman hanggang ngayon, matamis pa rin ang ngiti nya. “Oh, kamusta kayo ni Land-down-under guy?”
“Wala nga. Bawal maging friends?”
“Eh di friends, nagtatanong lang. Why so defensive?”
First time kong nagpasalamat na maagang pumasok ang Prof namin ngayong first subject. Hindi naman sa defensive, ayoko lang na lahat ng lalaking nadidikit sa’kin laging may motibo. Okay na ‘to, friends.