Chapter 18

25.1K 257 13
                                    

A/N: Check out our E-mag at my Bio. :D

Chura ni Lily sa Ball.. :">  -------------->

Erin★

***************************************



Paglabas ko sa hotelroom ko, nasa tapat na sya.. naghihintay. Lumapit ako sa kanya, dusting off his tuxedo saka ako tumingin sa kanya. “Ang gwapo.”

“Syempre.” Sabay kindat sa’kin saka sya pumasok ng room ko.

Eh bakit ang pogi nya talaga?? Ang kyot kyot talaga ni Ace.. Sarap kagatin.. Hahaha.

Kinuha nya sa bulsa nya yung ear transmitter at tooth-magnet microphones para kahit na magkahiwalay kami, kaya pa rin naming mag-usap. Umabistre na ko sa braso nya saka naglakad. Pagdating namin sa Function Hall ng hotel, madaling kaming nakapasok dahil 'invited' kami. Kaya nga nandito di Ace, para magka-access ako sa lahat ng lugar na pupuntahan ng subject. Lahat kasi ng subject namin, lalaki.

He took two champagnes from the waiter as we make our way into the crowd. Maya-maya nagsimula na ang Ball. May auction palang mangyayari.. akalain mo yon?

Nang matapos, tumugtog na ang orchestra.

Nagulantang na lang ako nang ayain nya ako. “Can I have this dance?” with matching lahad pa ng kamay.. You can have everything, you like?

Naalala ko yung fairytale na Cinderella.. Pakiramdam ko, ganitong ganito yung scene na bumigay si Cinderella kay Prince Charming e. Hahaha! Nung tinanggap ko yung kamay nya, agad nya akong hinila papunta sa gitna.

And slowly, his touch glided from my shoulders as he led my hands over his shoulders.. to my palms.. Then he put a hand on my lower back and another near my shoulder blades. He pulled me closer to him, making no air pass through us.



It feels so surreal.. 


Kasama ng tugtog na galing sa orchestra, feeling ko kaming dalawa lang ang sumasayaw..



Sheeet.. mamamatay na ba ko bukas? bakit binibigay lahat sa’kin ‘to ngayon? Alam kong deretso impyerno ako nito pero.. Pare, parang okay lang. Solb na ko. Pero syempre may hinihintay pa ko.. ALAM NA. HAHAHAHA! XD




Pagtingin ko sa mga mata nya..




Nakatingin sya sa mga labi ko.






Napalunok ako, hindi ko alam kung bakit..




Inch by inch, he make his way to my face..





To my lips..










PAKSHET, LUMAGPAS.






"Nasa likod mo yung subject." Sa tenga ko pala papunta yung lips nya! 


Badtrip! Lechugas! 


"I know." Sagot ko kahit hindi naman talaga, badtrip talaga ako e.. >.< I regrettably pulled away, making a way to our subject. He's now standing in front of me and offered his hand to me. I smiled gracefully and take his hand.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon