Walang nangyari sa pag-iikot ko. Nahilo lang ako sa dami ng tao bago pa man makarating sa Louvre Museum kaya umikot na lang ko sa paligid nito saka bumalik sa tinutuluyan namin.
Hindi pa man ako kumakatok ng pinto, binuksan na agad iyon ni Drew. “Sabi ko sa’yo hanapin na lang natin eh.”
Nagdere-deretso lang ako sa loob ng kwarto at tumalon pahiga sa kama. Nagkalat doon ang laptop at iba pang gamit nya. Hindi ko na inusisa kung ano yon, hindi ko rin naman alam kung paano gamitin ang iba doon.
“Napagod lang ako kakaikot kanina. Gusto ko sanang pumasok ng Louvre Museum kaso inaya mo ko dun di ba?”
Lumapit sya sa kama at isa-isang tinanggal ang mga gamit doon. “Bukas gusto mo pumunta tayo?”
“Kailan natin hahanapin yung hayop na yon?”
Umupo sya sa tapat ko. “Pwede namang sa isang linggo na lang.”
Natawa naman ako. “Grabe naman yang isang linggo mo, pwede namang sa makalawa na lang di ba? Nakaisang buwan na nga tayo sa Japan.” Baka mahuli na kami sa ginagawa naming to ah.
But then he gave me a teasing smile. “Ayaw mo ng isang buwan pa?”
Pwede, forever na? Charaught! HAHAHAHA!
Bumangon naman ako sa pagkakahiga. “Baka sabihin nila--”
“Akong bahala doon.” Confident na sabi ni Drew. Sumandal pa sya sa headboard at inilagay ang mga palad sa likod ng ulo. “Sasabihin ko nahirapan talaga ako sa paghahanap saka mas komportable ako na kasama si Vincent, Tiyak maniniwala yung mga yon. Alam mo naman kung paano nila sambahin si Vincent.”
Tumawa ako. “ Grabe naman yung word mo. ‘Samba’ talaga?”
“Seryoso ako. Kapag sinabi ni Vincent na mahihirapan sya, ibibigay ng mga yon ang lahat. Madalas kaya kaming umaalis kapag may assignment overseas.”
“As in bakasyon?!” ANG DAYA NILA!
Ngumiti sya. “Sasabihin lang ni Vincent kay George, ‘Baka matagalan kami kasi ganto-ganyan..’ tapos ayos na, may isang buwan na kami. Kung tutuusin kaya naman namin ng isang gabi. Depende sa kung urgent o hindi. Madalas kasi urgent at isang chansa lang ang meron ka. Pag sumablay.. wala ng try again.”
“Anong gingagawa nyo pag umaalis kayo?”
He pursed his lips like suppressing a laugh.. Inaasar nya ko. “.. Things.”