Guys, kalma tayo. Natetense din ako sa mga sinabi ko kagabi pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil walang sharing ng kwarto na naganap. Dineretso ko na kasi baka may mag-expect. Laging napupurnada eh, naaasar na ‘ko.
We had dinner over a restaurant na hindi ko maintindihan kung anong pangalan ng establishment at masarap yung pasta nila pero mas masarap siguro kung sya ang natikman ko. De, joke lang. Malinis po ang isip ko kapag gutom sa pagkain. May ibang gutom kasi.. punyeta. Malinis nga tapos ganito ang mga sinasabi ko.
Pero jokes are half meant kaya kayo na mamili kung anong seseryosohin nyo. Ako ba o ang sinabi ko. Ano daw?
Si Drew na rin ang pinag-order ko, tumira naman sya dito ng ilang buwan para makisalamuha at matuto ng lengguahe nila. Kasi ang ORG, kapag nag-aral ng third language kailangan mong mamuhay kasama ng mga taong gumagamit nito. Since language of seduction ang pinag-aralan ko, hanggang Pilipinas lang ang kagandahan ko. Nakalabas lang ako ng bansa noong kasama ko si Vincent sa isang assignment sa Milan. Tapos nasundan pa ng tatlong out of the country, ngayon itong kay Drew.
Itong kasalukuyang mission na ata na pinakamatagal na hinawakan ko. Okay lang, kahit habang buhay akong nandito basta kasama ko ‘tong.. teka. Kinikilig ako pag iniisip ko kung anong itatawag ko sa kanya. Hahaha! Ano 'to, teenager? Twenteen-one na 'ko at twenteen-three na sya? Pakiramdam ko ang tanda ko na dito pero… wala eh. After 10 years, ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataong magkasama ng ganito katagal.. Nang ganito kalapit sa isa’t isa.
Nakakatakot, pero sa tingin ko worth it lahat
.
Lahat-lahat.
After dinner, sya na talaga ang kumuha ng room para sa sarili nya dahil ako na lang daw ang matutulog sa kwarto na kinuha namin. Kahit dismayado ako, naiintidihan ko ang ginagawa nya. Naglalagay ng limitasyon para hindi kami lumagpas sa kung ano mang hindi namin dapat gawin.
Kinabukasan, umikot kami sa Rue de la Paix, ang street kung saan matatagpuan ang hotel na tinutuluyan namin, then took a cab that led us to Louvre Museum. “Buti pa sila naretain ang mga building no? Para kang bumalik sa Elizabethan era.”
Tumango lang si Drew sa sinabi ko.
Tatlong mala-palasyong gusali na magkakadikit at nakapalibot na parang kahon na bukas sa isang diamond-patterned glass pyramid ang bumungad sa’min pagbaba ko ng taxi. Amoy dugong bughaw ah.
Nasa’n ang museum dito?
Nagkalat ang matataas na light post at medyo marami ring turista na naglalakad at kumukuha ng mga litrato. Ang iba, nagpoposing pa na kunwari abot nila ang tuktok saka kukuhaan ng litrato nung kasama nya.
“Pwede ba tayong pumasok sa palasyo nila?” Baka bawal pala kami pumasok tapos barilin kami ng mga royal guards, hindi ko pa nga natitikman..