Chapter 91

9.9K 331 126
                                    





Hindi kami natuloy sa Amsterdam noong araw na 'yon. Ilang oras bago kami sumakay ng eroplano, biglang nagbago ang isip ni Vincent. Pina-cancel nya ang flight namin at kinuha ang pinakamaagang flight sa ibang lugar.


Saan kami napunta?


Auckland International Airport lang naman. Bigla kaming napunta sa New Zealand nang hindi inaasahan. Nasundan ng Brisbane, Honolulu, San Francisco, Incheon.. literal na airport hopping ang naganap sa isang buwan naming magkasama.


Madalas kaming paikot-ikot lang sa loob ng airport kaya wala rin akong nakikita kundi fluorescent lights, benches, glass na pader at eroplano. Nanghihinayang na nga ako sa camera na binili ko, MP3 player lang kasi ang ginagamit naming dalawa.


Oo, kaming dalawa. Nakikiapid sa earphone kapag nakikinig ako sa eroplano hanggang sa pinabayaan ko na. Magaganda at updated ang mga movies sa eroplano kaya nakakabawas rin ng boredom.


Kapag naghahanap kami ng hotel na tutuluyan ng maikling panahon, tinatanong na nya kung anong itsura ng banyo. Umoo lang pala sya sa lahat ng sinasabi ng receptionist kaya hindi nya alam na glass-walled ang banyo doon sa unang napuntahan namin sa Sabah.


Pagkatapos ng matinding away namin tungkol sa tatay, naging random na rin ang usapan namin tulad ng sa damit. Pwede naman pala akong magsuot ng iba't ibang kulay ng damit, choice nya pala na magsuot ng neutral colors. Kailangan lang generic ang prints ng damit at hindi masyadong pansinin.



"I prefer monochrome. A little of browns and blues.."

"Red? Nakapagsuot ka na?"

"Hindi pa,"

"Yellow?"

"Once..? But it was a pale shirt."



Napunta rin kami kay Santa Claus. Nakwento ko kasi na tuwing pasko, required kaming bigyan ng regalo ang bawat isa sa pamilya.



"The first time I saw Santa, I was twelve and held I my fist up."

"Bakit?"

"I was scared. He's red and.. huge."

"Obvious ba?"

"I mean, he's a fat man who gives gifts every year, riding in a sleigh carried by seven deers while growling-groaning. Then he comes down to your chimney, any moment of the night on Christmas Eve? Or you sit on his lap while he gives you presents? Who the fuck does that?"

"Kaya nga Santa, mabait."

"Besides, he had this huge sack beside him. It was big enough to fit kids in there. It's not like there's nothing in return."

"Di ba pwedeng nagbibigay lang talaga? Kailangan may motibo?"

"No one does things for free. Isa yan sa dapat mong tandaan."

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon