Chapter 93

7.8K 235 122
                                    

AN: pasensya na. I 're-imagined' almost everything in this chapter dahil: 1. Hindi ko mahanap yung 2% na nawawala(yun tawag ko sa 'kulang' na feeling kapag binasa ko na ng isang bagsak tas hindi pa rin ako satisfied.) 2. The 'habulan scene' was supposed to be placed in busy streets at midnight so maraming eskinita, bintana, bangketa.. tas biglang naging dayami. Tatawid pala sila ng border. Potek. Pati ako hindi ko rin alam eh no? Hahahaha!

At syempre, limited pa rin ang connection ko sa internet at electronic devices. Pwede na ba ako mag-update ng utak ko? Namiss ko na dumaldal online. Hahahaha!

Nga pala, may group na ang Viper sa FB. Message nyo ko kung gusto nyo sumali. :)

Yun lang, hope you enjoy reading! :)

*******************************************************



Ang bilis ng mga pangyayari.

Kanina lang masaya siyang nagkukwento kahit mas malaki pa ang posibilidad na hindi na niya muli makita ang tunay na pamilya niya, ramdam kong kuntento na siya. Kanina lang masaya akong nakikinig habang nakangiti siya.

Masaya ako kasi.. masaya siya.

Hindi yung saya na dulot ng pang-aasar sa'kin on a daily basis. Yung totoong saya na alam kong malalim ang pinanggagalingan. Tapos bigla na lang dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko.

Lagi kong ini-imagine kung papaano ang mangyayari ang first kiss ko.. Gusto ko sana sa ilalim ng fireworks, o kaya habang bumubuhos ang ulan. Pwede ring habang nasa pinakataas ang nasakyan naming bubble sa ferris wheel.

Pero lahat 'yon, nabalewala. Sa lahat ng nabasa ko, walang nakatumbas sa naramdaman ko. Blangko ang utak ko, pati yata pagiging tao nakalimutan ko na maliban sa pakiramdam ng malambot na labi niya.

Naging sobrang sensitive ang pandama ko lalo na sa parteng magkadikit ang mga labi namin. Parang may gumagapang na kuryente sa spine ko papunta mga braso, lalo na sa batok at tainga ko..

Nang maghiwalay ang mga labi namin, naiwanan akong nakatitig sa kanya.. at gano'n din siya sa'kin.

Sabi ng utak ko dapat umiwas ako ng tingin o kahit kumalma lang kahit one percent pero walang nakikinig sa kahit anong organs at muscles ko, lahat sila nagwawala.

Nagsimulang manuyo ang bibig ko pagkatapos ng halik at wala na rin akong marinig kundi ang mabilis na tibok ng puso ko. Feeling ko kung wala lang akong ribcage, tumalon na talaga ang puso ko palabas ng katawan ko at nagsayaw. Nagsimula na ring manghina ang mga tuhod ko pero ang tyan ko, parang bloated. Ang hirap huminga. Pati titig ko, hindi ko mabawi.


COOPERATION NAMAN, GUYS!

PAKSHET.

ANG LAGAY, UTAK KO LANG ANG MAG-E-EFFORT MABUHAY?!


Makakatulong din talaga kung iiwas siya pero wala talagang natitinag sa'ming dalawa. Masyadong determinado ang mga mata nya ngayong gabi kaya wala na 'kong nagawa nung hinila niya ang mukha ko gamit ang dalawang palad na inilagay niya sa magkabilang pisngi ko at muli akong dinampian ng halik.. ng paulit-ulit.

Inawat ko siya, itinulak nang walang lakas, gamit ang kamay kong nakalapat na pala sa kanang balikat niya..

"Teka, h-hinga lang ako." saka ako humigit ng hinga. Yun lang pala ako eh no? Tapos gora din. HAHAHAHAHAHA!

Saglit na napakunot ang noo ni Vincent bago na-process ang sinabi ko saka lang siya tumawa nang mahina at bumalik sa pagkakaupo niya. Doon ko lang na-realize na sobrang close na pala namin kaya umayos na din ako ng upo. Medyo natuwa pa ako nang marinig siyang naglabas ng mabigat na hangin na parang sa balon niya pa hinugot lahat 'yon.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon