Chapter 63

18.3K 224 63
                                    

A/N: Nag-edit ako chapter 61. Nakalimutan ni Erin na bumagsak pala sa isang subject si Vincent.. Hehe. Pasensya na po..

Nahabol ko na ang TPD at TPD-JV! Yehey! Magdiwang! HAHAHA! May sariling storya si Janice, TPD-JV. Sa mga curious, ilalagay ko na lang sa external link. :)

****************************************************

First day ng second semester.



Nagawan ko ng paraan para makuha ang lahat ng subjects ni Alice kahit na bumagsak ako sa isang prerequisite subject na kinuha namin last sem. Nakakatamad lang kasi mag-aral kapag paulit-ulit na ang inaaral mo, maikli pa naman ang pasensya ko sa mga ganung bagay.

Maaga kaming dumating sa classroom kaya yumuko muna ako sa ibabaw ng desk at pumikit. Gusto ko lang talaga magpahinga. Maya-maya, isa-isa nang dumating ang mga bagong kaklase namin, pati na rin sina Avery at Zeke na magkasamang umupo sa tapat namin.

“Si Janice?” Narinig kong tanong ni Alice. Nag-aalala siguro sya na baka hindi makapasok ang kaibigan.

“Ewan, papasok yun. Ang alam ko ngayon darating ang nanay at anak nya.” Sagot ni Avery.

Narinig ko pati ang bulungan ng katabing mesa namin like fangirls talking about their Idols. Galing din pala sa UK ang prof na darating. Kailangan kong mag-ingat dahil hindi ko alam, baka naging kaklase ko ‘to sa Clinical Medicine.. patay talaga.

Tinapik ako ng isang beses ni Alice para umupo ng ayos dahil maaga ring dumating ang Prof namin ngayon na may kasamang matangkad na babae. Inilapag nito ang mga gamit sa mesa at dumiresto naman ang babaeng kasama nito sa likod na parte ng klase. Umupo ito sa isa sa mga silya doon.

“Ahm, Good afternoon. I’m Doctor Kyle Buenaventura and I’m gonna be your substitute professor for this subject.” He took the paper at the table and starts to do a roll-call.

Our surnames were called and raised our hands as instructed but then he stopped at a familiar name. “Velasco?”

“Ms. Janice Velasco?” Our substitute professor repeated.

“Wala pa po.” Sagot ni Alice.

“Alam naman siguro nya na may klase sya ngayon ‘di ba?” His voice was stern.

Yumuko lang si Alice, naintimidate ata sa prof namin ngayon. Umiling lang ng isang beses ang prof namin. “--I’ll mark her absent..”

Then, she came panting. Bullets of sweat came down her forehead and shouts at the top of her lungs. “SIR! SORRY I’M LATE!"

"Who are you?"

"Janice Velasco po." Ngumiti pa sya.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon