Here - Chapter 1: Blind Date?!

69 3 0
                                    

Hanayori's Point of View


"Ito na yung manuscript." pasa ko sa editor ko na si Hikasa.


Pag-kuha ng Editor ko sa Manuscript ko ay tinignan nya ako ng maigi.


"M-may problema ba?" tanong ko sa kanya.


"Inaalagaan mo ba sarili mo?" tanong nya sa akin.


"Oo naman." sagot ko sa kanya.


"Ilang oras ka natutulog?" tanong nya sa akin.


"3 oras." sagot ko.


"Ano madalas kinakain mo?"


"Cup Noodles."


"HINDI MO INAALAGAAN SARILI MO!" sigaw nya sa akin.


"Hindi ko na kailangan alagaan sarili ko, mamamatay din naman ako." sabi ko sa kanya.


"Ang bata na ito, alagaan mo sarili mo, tignan mo maputla ka na, tapos hindi pa kumakain ng maayos." galit na sabi nya sa akin.


"Nanay ba kita?" inis na tanong ko sa kanya.


Bigla nya akong binatukan, napahawak ako sa aking ulo sa sobrang sakit.


"Mas matanda ako sa'yo kaya umayos ka." sabi nya sa akin. "Matagal pa naman binibigay ko sa'yo na deadline, total tapos mo naman ang manuscript ay bibigyan kita ng 1 buwang pahinga." dagdag nya.


"HUH?!" gulat ko.


"Wag ka nang magreklamo, utos ng editor mo na alagaan mo sarili mo." sabi nya sa akin.Ako si Hanayori Hanabusa, 25 years old, walang boyfriend, walang pagasang magka-asawa, at ang aking trabaho ay isang Novel Writer.


Hindi ko naman kailangan alagaan sarili ko, total wala naman magkaka-gusto sa akin.Napansin ko na may pumasok sa loob ng kwarto ni Editor Hikasa, isang gwapong lalake ang pumasok sa loob, 179cm ang tangkad, habulin ng mga babae, at higit sa lahat gwapo.


"Oh Naito, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Editor Hikasa sa gwapong lalake.


"Bakit andoon anak mo sa Condominium ko?" galit na tanong nya kay Editor Hikasa.


"Ano ka ba, busy ako kaya alagaan mo sya." sabi nya sa lalake.


"Busy din ako Ate, hindi ko sya maaalagaan." pabalik na sabi nya kay Editor Hikasa.A-ate? Kapatid nya pala ang lalake na ito?


"Edi dalhin mo sa Studio." sabi nya.


"Bahala ka dyan." inis nya na sabi, sabay labas.


"Kapatid ko pala 'yon, ang gwapo nya diba?"

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now