Erika's Point of View
"Bakit hindi ka maging Novel Artist, diba pangarap mo 'yon?" tanong ni Arisa sa akin.
"Eto, alam mo naman nakalimot ako ng ilang taon. Tsaka, blanko pa ang aking imahinasyon ko." sabi ko sa kanya.
"Naalala mo ba noong Festival, kapag nagiisip ka ng mangyayari sa susunod na kabanata ay naggagala ka. Tsaka, andito si Jiro baka makaisip ka." sabi ni Arisa.
T-teka, bakit nadamay si Jiro dito.
"Susubukan ko, tsaka bakit gustong-gusto mo akong maging Novel Artist?" tanong ko sa kanya.
"Sabi mo noong nag graduate tayo, in-case na makalimot ko ang aking pangarap ay alalahanin mo sa akin iyon." paliwanag nya sa akin.
Pasalamat talaga ako, at naging kaibigan ko si Arisa.
"Salamat." sabi ko, at niyakap ko sa kanya. "Teka, anong trabaho mo ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Isang voice actress, kaso pinagpahinga ako ngayon dahil nagkaroon ako ng sakit sa lalamunan." sabi ni Arisa.
Ohh.. Nakakatuwa naman trabaho nya.
Pagkatapos namin magusap ni Arisa ay nakita ko si Jiro, nagsisibak ng kahoy. Basang-basa ang damit nya sa pawis, tulala lang ako na makita ko sya.
T-teka, wala akong oras sa ganyan.
Pagtingin ko sa kanya ay nakatitig sya sa akin.
Naramdaman ko na namula ang aking mukha, at nagmadaling umalis sa kanyang harapan.Pagpasok ko sa kwarto, ay humiga ako, at pinilit ko na lang matulog.
Dumating ang gabi.
Pagpunta ko sa Living Room ay nakita kong naguusap sina Jiro, at Akuto. Gumilid muna ako, at pinakinggan ko yung pinaguusapan nila.
"Medyo nagsisisi ako sa ginawa ko kay Erika." sabi ni Jiro.
"Hmmm.. Bakit?" tanong ni Akuto.
"Kung hindi lang ako naging tanga dati edi sana ganon pa din ugali nya. Yung lalapitan ka, bibigay yung paborito mo, at iba pa. Anong ginawa ko, tinapon ko lang sa isang gilid. Medyo nahihirapan sya ibalik yung dati. Kasalanan ko 'to." kwento nya kay Akuto.
Medyo sumikip dibdib ko sa narinig ko.
Bigla akong nawalan ng gana kumain, lumabas na lang ako, at naglakad para makapagisip.
Tama sya, pinipilit ko lang sarili ko.
Hindi ko alam gagawin ko.
Paano ko sya haharapin bukas.
"Haist.." buntong hininga ko.
"Erika." tawag ni Arisa sa akin.
"Eh." gulat ko.
"Mukhang may problema ka ah." sabi nya sa akin.
"Arisa, anong gagawin ko? Pinipilit ko lang ba sarili ko kay Jiro?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko masasagot ang tanong mo, ikaw lang makakasagot nyan." sabi nya.
"Hindi ko alam gagawin ko, mahal ko nga si Jiro pero.. pero.." paiyak na sabi ko.
"Mahal kita Erika!" sigaw ni Jiro.
Lumingon agad ako sa kanya, kita ko sa mata nya ang seryoso nyang pagkakasabi.
"Kung ano ka ngayon iyon ang ituring mo sa akin, kaya wag mo nang pahirapan sarili mo." sabi nya sa akin.
"Narinig mo sinabi nya." sabi ni Arisa, at itinulak nya ako palapit kay Jiro.
Nang itulak nya ako palapit kay Jiro ay agad akong sinalo ni Jiro, at niyakap nya ako ng mahigpit.
"Pasensya na sa lahat." sabi nya sa akin.