Sheena's Point of View
Lumipas ng ilang linggo ay nakauwi na kami matapos ang kasal ni Miyuna. Balik ulit sa normal, balik sa trabaho, at buhay. Pagkatapos ang trabaho namin ay dumiretso ako sa Hospital para ipa-check up ang aking kanang braso.
"Hmmmm.. Medyo okay na. Hindi ka naman nakaramdam ng sakit kapag nagtatrabaho ka ano?" tanong sa akin ni Doctor Amy.
"Hindi na po." sagot ko.
"Mabuti, basta sundin mo lang mga bawal. Tsaka.. Kung gumaling na talaga ang kanang braso mo.. Itutuloy mo pa ba ang pangarap mo noong High School?" tanong sa akin ni Doctor.Napaisip ako.
Ang laki ng tiwala ko na maging isang Illustrator ng Light Novel. Dahil sa aksidente na may tumulak sa akin sa hagdanan ay bigla nasira iyon.
T-tumulak?
"Hindi na, tsaka nagustuhan ko na ang pagiging Office Lady kaya kakalimutan ko na ang pangarap na iyon." sabi ko sa kanya.
"Sayang naman iyon.. Kung iyon ang desisyon mo ay wala akong magagawa." sabi ni Doctor.
Paglabas ko sa Hospital ay napaisip ako sa sinabi ng kapatid ni Manager Jin noong isang linggo.
"Mukhang hindi mo na ako naaalala. Mabuting wag mo na lang alalahanin iyon."
Kahit anong pilit ko ay hindi ko pa din maalala. Dibale, focus na lang ako sa trabaho ko.
Kinaumagahan.
"Absent si Manager Jin." sabi ng sekretarya namin. "Kaya gawin nyo trabaho nyo ah!"
Ano kaya nangyari, siguro may ginawa nanamang kalokohan yung lalakeng iyon.
"Sheena, umamin ka nga. Nakita ko kapatid ni Manager Jin na pumasok sa kwarto mo. May ginawa ba sya sa'yo?" tanong ni Miyuna sa akin.
M-may nakakita sa kanya.
A-anong gagawin ko.
Isip-isip.
"Doon sya natulog, w-wala naman syang ginawang masama sa akin." palusot ko sa kanya.
"Buti naman, osha, balik na nga sa trabaho." sabi ni Miyuna.
Kinabahan ako.
Bakit ba nagkaroon ng kapatid si Manager Jin ng isang manyakis na 'yon?! Kinuha nya ang 1st Kiss ko, tapos tapos..
"AAAAAAAAAHHHHHHH!!!" sigaw ko.
Kinagabihan.
Sa Bus Stop.
"Pauwi ka na pala."
Nagulat ako na nasa tabi ko na sya.
"W-wag ka nga susulpot ng ganon lang, nakakagulat ka." inis na sabi ko.
"Pasensya na." sabi nya.
Nagulat ako na hinawakan nya ng mahigpit ang aking kanang braso.
"Mukhang magaling na ang kanang braso mo." sabi nya.
Eh?
"Pasensya na yung nangyari noong High School." sabi nya.
Yung sinabi nya iyon ay naalala ko na ang lahat.
Yung insidenteng nahulog ako sa hagdanan, sya pala ang nakatulak sa akin.
Agad ako bumitaw sa paghawak nya sa kanang braso ko.
"Salamat, at hindi natupad ang aking pangarap." galit na sabi ko.
Pagdating ng bus ay agad ako sumakay, at tinignan ko sya ng masama.
"Wag na wag kang magpapakita sa akin." galit na sabi ko sa kanya.