Please Fall in Love With Me - Chapter 6: From Now On.

5 2 0
                                    

Iroka's Point of View


3 araw na ako nilalagnat, hanggang ngayon hindi pa din ako gumagaling. Kasalanan ng estrangherong lalake na iyon, kung hindi nya ako hinalikan sana nakakapagtrabaho ako.


*tok tok tok*


Hindi pa ako makabangon sa sobrang hina ng aking katawan.


"Iroka?"


"Bukas 'yan." sabi ko, at inubo-ubo.


Nagbukas ang pinto, si Fueru pala ang pumasok sa aking apartment, at meron syang dalang makakain. Sinabi nya sa akin na hinalikan ako ni estrangherong lalake. Sinikmuraan nya ito, at nagalit.


Nakakatakot pala magalit si Fueru.


"Mamayang gabi, dito ako matutulog." sabi ni Fueru.


"Eh." gulat ko.


"Wag kang magalala, matibay ang aking katawan." masaya nyang sabi.


2 days later.


*cough *cough


Matibay ang katawan, huh?


"Sabi ko sayo mahahawa ka eh." sabi ko sa kanya.


"First time nangyari ito sa akin." sabi nya, at suminga.


"Sabi ni Landlady, pupunta yung boyfriend mo mamaya-maya." sabi ko.


"Sabi na wag na papuntahin yung lalake na 'yon eh!" sigaw nya.


"Sige, aalis na ako." paalam ko sa kanya.


Paglabas ko sa kanyang apartment ay naisipan ko pumunta sa Playground.


Pagpunta ko sa Playground ay may nakita akong mga batang naglalaro. Pero, napatingin ako sa isang bata na nakaupo sa swing.


Lumapit ako, at umupo sa isang swing.


"Hindi ka ba nila sinasali?" tanong ko sa kanya.


Tumingin sya sa akin, at umiwas din sya ng tingin sa akin.


"Ayaw nila ako isali dahil ayaw nila sa akin." sabi nya.


"Parehas pala tayo." sabi ko.


Napatingin sya sa akin.


"Noong bata ako ay ayaw nila akong isali sa kanilang laro, at kausapin. Dahil pinandidirian nila ako, galing daw ako sa ampunan bahay. Kaya, lumaki ako na walang kaibigan, o tumulong sa akin." kwento ko sa kanya.


"Grabe." sabi nya.


"Pasensya na kung nagkwento ako ng ganon." sabi ko, at tumayo.


Umalis na ako sa Playground. Naalala ko na may bibilhin pala ako para sa hapunan. Tsaka, nakalimutan ko magpadala ng pera kay Mother Rose.


Kaso, naalala ko na hindi ko dala yung wallet ko.


Kailangan ko bumalik sa apartment.


"Oi, si Miss!" sabi ng lalake sa akin.


Kasama nya yung estrangherong lalake. Bigla ko naalala yung ginawa nya sa akin noong nakaraan.


"A-anong kailangan nyo sa akin?!" nataranta kong tanong.


"Oi Klein, anong ginawa mo sa kanya?" galit na tanong ng lalake sa kanya."W-wala!" nataranta nya ding sambit.


"Hmmm.. Wala ah." pagtataka sa kanya. "By the way, sasama na kami sa pagbalik mo sa apartment." sabi nya sa akin.


Pagbalik ko sa apartment ay nakita naming tatlo na binugbog ni Fueru yung artista nyang Boyfriend. Napatulala na lang ako, ang lakas nya pa din kahit may sakit sya.


"Oi, ano nanaman ba nagawa mo Ritai!" sigaw ng gwapong lalake sa kanya, at lumapit ito sa dalawa.


"Maiiwan ko na kayo." sabi ko.


Babalik na sana ako sa loob ng apartment ko na bigla nyang hinawakan ang aking kamay.


*dug dug *dug dug


A-ano ito.


"P-pasensya na talaga sa ginawa ko." pagpaumanhin nya sa akin.


Hindi ako umimik, at bumitaw ako sa paghawak nya sa aking kamay kaso hinawakan nya ulit ito kaso mahigpit na ang paghawak nya.


"A-ano ba?!" galit na sabi ko.


"Naito, may bibilhin pala kami." pagpaalam nya, at umalis kami.


A-anong problema nya, hindi ko talaga maintindihan ang mga lalake. Hindi mo alam ang iniisip nila, at galaw nila.


Sa parke kami nagpunta. Nakatayo lang kami sa tabi ng fountain, at nagtinginan lang kami.


"Simula ngayon, aalamin ko na ang pagkatao mo. Syempre, aalamin mo din ang pagkatao ko." sabi nya.


"Bakit mo ba ako nagustuhan?" tanong ko sa kanya.


"Ano ba 'yan, ilang beses mo na 'yan tinanong mo sa akin eh." sabi nya, at napakamot sya ng ulo. "Dahil nga kakaiba kang babae." sagot nya sa akin.


"Ahh.." yun na lang nasabi ko.


"Ehem.. Ako pala si Klein Florence." pagpakilala nya sa akin.


"Iroka." pagpakilala ko sa kanya, at tumalikod na ako sa kanya, at naglakad pabalik sa apartment.


"Oi, sandali!" sabi nya.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now