Fueru's Point of View
1 year later.
"Ano po ang inyong order?" tanong ko sa costumer.
"Isang Mocha Coffee, at Chiffon Cake."
"Isang Mocha Coffee, at Chiffon Cake." inulit ko ang sinabi ng costumer, habang sinusulat ko sa memo. "Sige po, magintay po tayo ng 5 minuto." sabi ko.
Lumipas na ang 1 taon, sa sobrang busy ko sa trabaho ay nakalimutan ko na yung mga nangyari noong naging katulong ako sa bahay ni Ritai. Hindi ko man lang inalam kung okay lang si Ashell, o sya..
H-hindi sa namimiss ko sya, si Ashell lang namiss ko.
Nagaalala ako sa batang iyon, sana nilalabanan na nya ang mga nambubully sa kanya.Lumipas ng mahabang oras.
"Uuwi na ako." paalam ng mga ka-trabaho ko sa akin.
"Ingat kayo." sabi ko sa kanila, at nagbihis na ako ng damit.
Pagkatapos ko magbihis ng damit ay lumabas na ako sa Locker Room, nakita ko si Klein na nakasandal sa pader ng kanyang opisina.
"May problema ba Manager?" tanong ko sa kanya.
"Sa susunod na linggo, balak kitang isama sa bakasyunan bahay. Inutusan kasi ako ni Mommy na linisin iyon." sabi nya sa akin. "Wag kang magalala kasama si Hanayori." dagdag nya.
"S-sasama ako!" sigaw ko.
Matagal-tagal na din hindi ko nakikita si Hanayori, kamusta na kaya sya? Inaalagaan kaya nya sarili nya? Kapag may ginawang masama si Naito susuntukin ko sya.
"Kasama din pala si Ritai." sabi nya.
Agad ko sya kinuwelyuhan, at sinamaan ko sya ng tingin.
"Inaasar mo ba ako?!" galit na tanong ko sa kanya.
"Sya nagpipilit, kahit may injured sya." sabi ni Klein.
"I-injured?" tanong ko.
"Hindi ka pala nanonood ng balita sa telebisyon." sabi nya, at umubo sya. "Nabali yung kanang braso nya dahil nadulas sya sa part na tatalon sya sa bangin." paliwanag nya.
"Ang tanga naman nya." sabi ko.
"Ang sama mo, hindi ka ba nagaalala sa boyfriend mo?" asar nya sa akin.
"T-tumahimik ka nga, paano ko sya magiging boyfriend eh hindi ko naman sya sinagot." inis na sabi ko.
"3 buwan sya magpapahinga sa pagiging artista." sabi ni Klein sa akin.