Miyuna's Point of View
Dalawang araw na nakalipas.
Naging masaya si Miumi sa Parent's Day. Masaya sya dahil natupad ang gusto nya, naging pabaya akong ina sa kanya. Puro trabaho inatupag ko.
Tsaka, sa mamayang gabi may College Reunion kami.
Baka andoon din ang ex-boyfriend ko. Magiging normal lang ako, total nakalimutan ko na ginawa nya. Dahil, meron na akong lalakeng nagustuhan ko.
Pero, nung tinanong ko sya hindi sya sigurado sa sinabi nya.
"Oi, excited na ako mamaya sa Reunion. Makikita ko ulit ang crush ko." kilig ni Sheena.
"Ang tanda mo na may pa-crush crush ka pa." sabi ko.
"Swerte ka nga yung ama ng bata ay sobrang bait. Tsaka, iba sya sa ex-boyfriend mo." pranka ni Sheena sa akin.
"Oo nga, kaso nga lang si Miumi yung binibigyan nyang atensyon. Hindi ako." sabi ko.
"Eh, wag mong sabihin may gusto ka na sa kanya? Kyaaaaaa!" kilig ni Sheena.
"Pero, tinanong ko sya na may gusto sya sa akin, pinagiisipan pa nya kung gusto nya ako.
Tanggap ko naman na walang lalakeng magkakagusto sa akin." sabi ko.
"Osha, osha, tara na baka ma-late na tayo sa Reunion."
Sa Yeon Bar Restaurant, ay nagsimula na ang Party. Andoon din yung ex-boyfriend ko. Busy sya sa mga tropa nya, samantala kami ni Sheena ay sigeng inom ng alak.
"Oi, kailangan ko na magkaroon ng asawa tulad mo!" sigaw ni Sheena.
"Ah, wag ka nga maingay." sabi ko sa kanya.
"Ehhhh.. May asawa ka na pala."
Paglingon ko, nasa harapan ko ang aking Ex-boyfriend. Ang kapal ng mukha nya ngumiti sa akin matapos ang ginawa nya sa akin.
Matapos ang Reunion Party ay sumabay si Sheena sa dati naming kaibigan. Bale ako na lang mag-isa.
"Miyuna, magusap tayo." sabi ng ex ko.
"Wala na tayong paguusapan." sabi ko.
"Tama, wala na kayong paguusapan."
Paglingon ko ay nagulat ako na andito si Tsugihara. Lumapit sya, at hinila nya ako palapit sa kanya.
"May problema ka sa asawa ko?" tanong ni Tsugihara sa akin. "Ikaw pala yung lalakeng nanakit sa kanya. 8 taon na nakakalipas."
Hindi sya nakaimik, agad na sya umalis.
"P-paano mo?"
"Hindi mo sa akin sinabi na may Reunion ka, wala ka bang tiwala sa akin?" malungkot nya na sabi.
Hindi din ako nakaimik, ano ba nangyayari sa akin? Dahil lang sa sagot nya. Nagkaka-ganito na ako.
"Pasensya na." sabi ko.
Sabay kami umuwi, nakita ko si Nikki na busy sya sa pagtuturo kay Miumi. Sinabi nya pala sa akin na isa syang guro sa isang High School.
Si Tsugihara naman ay pinuntahan nya si Miumi.
Nakakaiyak.
Talagang wala sya talagang nararamdaman sa akin.
Kinaumagahan.
Ngayon lang tumama ang alak sa akin. Sobrang sakit ng ulo ko, parang pinapako. Ahhh.. Dapat hindi na lang ako uminom ng alak eh.
Sinabihan ko ang Boss ko na hindi muna ako makakapasok.
"A-ang sakit.." sabi ko sa sobrang sakit.
Hindi ko kayang bumangon para uminom ng gamot. Itutulog ko na lang ulit ito, napakasakit talaga. Tulad ng..
*tok tok tok
"Miyuna."
S-si Nikki.
"Ayos ka lang?" tanong nya sa akin.
"O-oo."
"Mukhang hindi, sasabihan ko na lang si Tsugi--"
"Wag mo sasabihin sa kanya, a-alagaan nya muna si Miumi. A-aray!" sigaw ko.