Erika's Point of View
Pinagpahinga ako ng Boss ko, pagalingin ko daw yung pasa sa paa ko.
Naaalala ko pa din ginawa ko kagabi, umiyak ako sa harapan ni Jiro. Naiinis ako na palagi ko na lang sya nakikita, kinakalimutan ko na ngang may gusto ako sa kanya kaso lilitaw, at lilitaw pa din sya sa harapan ko.
Naiinis ako sa sarili ko.
Bakit ko pa umiyak sa harapan nya?!
Eh wala naman syang pake sa akin.
"Erika, may bisita ka." sabi ni Ate Chan Li sa akin. "Halika ka dito."
Nagulat ako na ang bisita ko ay si Jiro.
"M-masakit ang ulo ko, babalik ako sa kwarto ko!" sabi ko kay Ate Chan Li.
"Wag ka ngang bastos sa bisita mo." inis na sabi ni Ate Chan Li.
Kami lang dalawa sa Living Room, nakatingin lang ako sa paa ko. Pagtingin ko sa kaliwang kamay nya na suot nya yung huling bracelet na binigay ko sa kanya.
I-imposible iyon, kita ko sa akto na tinapon nya ito.
"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Hindi na ba masakit yung sa paa mo?" tanong nya sa akin.
"Anong tingin mo gagaling ito agad? Kung iyan lang itatanong mo sa akin, lumayas ka na lang." inis na sabi ko sa kanya.
Tumayo sya sa Sofa, at tuluyan na syang umalis.
Tama lang ginawa ko.. tama lang.
Lumipas ang isang linggo ay nakabalik na ako sa aking trabaho. Mukhang matatagalan ang unang sweldo ko dahil sa nangyari.
Dapat hindi na lang ako nagpunta sa Reunion noon, sigurado tahimik pa ang buhay ko.
"Haist.." buntong hininga ko.
"May problema ba?" tanong ni Boss sa akin.
"W-wala naman." sabi ko.
"Paguwi mo pala, iuwi mo yung mga Melon Bread. Malapit na din kasi mag expired, yan." sabi nya.
Kinagabihan.
Naalala ko na paborito din ito ng pamangkin ni Chan Li, ang bait talaga ni Boss kahit wala pang sweldo si ako ay ayos na ang pagkain.
Hinay hinay ako naglakad dahil baka andoon nanaman si Jiro. Hindi talaga ako nagkakamali, andoon talaga sya nakaupo sya tsaka namumutla?
Agad ko sya nilapitan, at hinawakan ang kanyang noo.
"M-may lagnat ka!" sigaw ko sa kanya.
"Naito, payakap naman!" sabi nya, at niyakap nya ako.
"B-bitawan mo ako!" sigaw ko sa kanya.
Agad ko tinawag si Mao, dumating sya agad, kinarga nya ito papuntang sa kanilang bahay.
"Ikaw na magalaga sa kanya." sabi ni Mao sa akin.
"S-sira ulo ka ba, may trabaho pa ako bukas." sabi ko sa kanya.
"Ako naman ay may gagamutin pa akong aso. Ilang araw na akong walang tulog para mapagaling iyon. Kaya good luck na lang." sabi ni Mao, at umalis na sya.
First time ko lang nakapasok sa bahay ni Jiro. Pumasok ako sa kanyang kwarto, buti pinalitan na ni Mao yung basa nyang damit. Kaso nga lang, hindi ako marunong magluto.
"Haist.."
Anong silbi ng pagpunta ko dito kung wala naman akong kwenta.
Naalala ko pala na wala pala akong phone. Ang hawak ko na nakaraang na phone ay yung sa ate ko.
"Haist.."
Kanina pa ako nagbubuntong hininga, ang malas naman kasi ng buhay ko eh.
Kinaumagahan.
Paggising ko, nagulat na lang ako na nasa kama na ako natutulog. Wala akong maalala na dito ako natulog, nasa sofa ako natulog noon.
Agad ako bumangon, at nagmadaling lumabas ng kwarto.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Jiro na nakaupo sa Sofa, at nagbabasa ng Magazine.
"Gising ka na pala." sabi nya.
"Aalis na ako." sabi ko sa kanya.
"Sandali lang." sabi nya, at pinigilan nya akong lumabas. "Bakit mo ba ako iniiwasan?" tanong nya sa akin.
"Obvious naman diba, para hindi na kita maistorbo, tsaka kahit anong iwas ko palagi kang nagpapakita." paliwanag ko sa kanya.
"Bakit may gusto ka pa ba sa akin?" tanong nya sa akin.
"Bakit ba, malamang meron pa, kaso naiinis ako sa sarili ko bakit pa ako nagkagusto sa isang katulad mo!" sigaw ko sa kanya. "Please lang, palabasin mo na ako. Gusto na kitang kalimutin, ayoko nang maalala ang mga masasakit na bagay na ginawa mo sa akin." dagdag ko pa sa kanya.
Lumipas ang ilang linggo ay nagresign ako sa pinagta-trabahuan ni Ate Chan Li. Nagulat si Boss na nagresign agad ako. Medyo nalungkot sya, dahil kahit baguhan lang ako sa bakery nya ay sobrang sipag ko.
Kasalanan kasi ni Jiro ang lahat ng ito.
Buti binigay ni Boss yung sweldo.
"Ang una kong sweldo!" masaya kong sabi.
Pero, balik ulit ako sa pagiging unemployed.