Nikki's Point of View
Ako si Nikki Taichi, 24 years old, isang guro sa Public High School. Sa ngayon, magisa ako sa aking buhay. Noong bata ako ay namatay sina Mama, at Papa noong elementary ako bale sina Lolo, at Lola ang nagalaga sa akin. Pero, noong nagkaroon ako ng trabaho ay namatay din sila.
Feeling ko may kamalasan ako lalo na kapag may malapit na tao sa akin.
Kaya kapag may kumakausap sa akin iniiwasan ko, baka kapag naging kaibigan ko sila ay mamamatay din sila.
Pagkatapos ko magcheck ng testpapers ng mga estudyante ko ay napansin ko si Diana, concentrate siya sa kanyang trabaho.
"Andito ba si Nikki?" tanong ng isang co-teacher ko din.
Hindi ako umimik, napansin ko na lumapit na lang sa akin ito, at may binigay na papel.
"Magsalita ka nga para hindi ka maging multo sa Faculty." galit na sabi sa akin.
Umiling ako, at napabuntong hininga.
Napatingin ako kay Diana, napatingin din sya sa akin. Agad ako umiwas ng tingin sa kanya. Natatakot ako.
Pagkatapos ng aking trabaho ay naglakad na ako pauwi. May nabangga akong lalake, humingi agad ako ng pasensya, maglalakad na ulit sana ako na biglang may humawak sa aking kamay.
"Ikaw ba si Nikki Taichi, ang apo nila Masao Taichi, at Mirai Taichi?" tanong ng lalake sa akin.
P-paano nya nalaman yung pangalan ng lolo, at lola ko.
Umiling ako, tapos nagulat ako na may dalawang lalakeng nasa likod ko nakaabang sa akin.
M-may nagawa ba sila Lolo, at Lola na masama sa kanila?
"Wag po kayong matakot, sumama kayo sa akin." sabi ng lalake sa akin.
Sumunod na lang ako, wala din magagawa ang paglalaban mo.
Pagdating namin sa isang Traditional House ay pinagbukas kami ng Gate. Tapos naglakad na kami papasok, habang papunta kami sa isang kwarto ay tumigil kami sa paglalakad.
"Miss Nikki, wag kayo magugulat sa sasabihin ko." sabi ng lalake sa akin.
"Sige." sabi ko.
"Ipapakasal ka sa anak ni Akashi Nishikawa na si Kishi Nishikawa." sabi ng lalake sa akin, at binuksan nya ang pinto ng kwarto.
Pumasok ako sa loob ng kwarto, nakita ko yung lalakeng ipapakasal sa akin.
Aware na ako sa mangyayari, sinabihan ako nila Lolo, at Lola na may ipapakasal sa akin na lalake. Pero, hindi ko aakalain na isa syang anak ng Yakuza.
"Master Kishi, sya na po yung babaeng ipapakasal sa inyo." sabi ng lalake sa kanya.
Nakahiga sya habang nagbabasa ng mga papeles. Bumangon sya, at tumingin sa akin. Tinitigan lang nya yung lalake, tapos umalis na ito.
Bale, dalawa na lang kami naiwan sa kanyang kwarto.
"Yo, ikaw pala yung mapapangasawa ko?" tanong nya sa akin.
Umiling lang ako.
Lumapit sya sa akin, at hinawakan nya ang aking pisngi.
"Tsk.. Napaka-boring naman ng magiging asawa ko. Tahimik, hindi nagsasalita. Ano pinagiisip ng mga magulang ko?" inis nya na sabi.
"Mas mabuti na maghanap ka na lang ng babaeng magugustuhan mo kesa sa akin." sabi ko.
"Hindi pwede, kung ano pinagusapan nila ay tuparin natin." sabi nya.
"Tama ka." sabi ko.
"Simula ngayon, dito ka na matutulog sa kwarto ko. Dinala na ng aking butler na si Takahiro ang iyong damit, at mga gamit." sabi nya.
"Oo." sabi ko.
"Aba masunurin ka ah."
Malditong lalake.
Basta wag lang sya magkakagusto sa akin. Mamamatay ka kapag naging malapit ka sa akin.