Sheena's Point of View
Pagkatapos ng aking trabaho ay naisipan ko na umuwi kasama si Miyuna. Paglabas namin ay nakita ko si Manager Jin, kasama nanaman nya yung manyakis nyang kapatid, at may kausap silang foreigner.
"Manager Jin, uuwi na kami." paalam ko Manager.
"Ingat kayo." sabi ni Manager Jin sa amin.
Napansin ko na nakatingin yung foreigner sa akin, tapos bigla nyang hinawakan nya ang aking kamay.
"It's that you, Sheena?!" tanong nya sa akin.
"Eh, w-who are you?" tanong ko sa kanya.
"Ako ito, yung nakasama mo sa rehabilitation." sabi nya.
N-naalala ko na, sya yung nakasama ko sa rehabilitation. Nabali yung buto nya sa kanang paa, kaya ang pinalit ay bakal na paa para makalakad sya ulit.
"Ah, kamusta na pala. E-eto ano pangalan mo ulit?" tanong ko sa kanya.
"Arthur, matagal din hindi tayo nagkita." masaya nyang sabi. "Tsaka, bukas Valentines bukas balak sana kitang yayain magdate." dagdag nya.
"Ui, date daw." asar sa akin ni Miyuna.
"Sige." payag ko.
Tumingin ako kay Manager Jin, hindi ko alam na andoon si Kenshin sa tabi nya. Ang sama ng tingin nya sa akin.
B-bakit, wala syang karapatan na pakealaman ang gusto ko. Hindi naman kami eh.
"Ihahatid na kita pauwi." sabi ni Arthur sa akin.
"Salamat."
Kinaumagahan.
Pagkatapos ko magayos ng aking sarili ay nagulat ako na nasa labas na ng aking apartment si Arthur. Nakaabang sya sa akin, at inaantay nya ako.
Paglabas ko ay hinawakan nya ang aking kamay.
Pumunta kami sa Amusement Park, sumakay sa mga rides, at kumain.
"Ang saya." masaya na sabi ko.
"Ito pala ang regalo ko para sa Valentines mo." sabay bigay nya ng maliit na Teddy Bear.
"Wow, salamat. Dapat sa White Day mo na ito binigay eh." sabi ko sa kanya.
"Advanced ko binigay sa'yo dahil sa susunod na linggo ay aalis ulit ako. Nagpunta ako dito para sa Business Trip." paliwanag nya sa akin.
"Ahhh.." yun na lang nasabi ko.
"By the way, yung kapatid ng Manager nyo. Ang sama ng tingin nya sa akin kahapon noong kinausap kita. Boyfriend mo?" tanong nya.
"H-hindi ko sya boyfriend. Tsaka, sya ang dahilan kaya nagkaroon ng injured ang braso ko." inis na sabi ko.
"Ahh.. Pansin ko, noong inaya kita sa Date na ito pumayag ka. May gusto ka ba sa kanya?" tanong ni Arthur sa akin.
Biglang bumilis tibok ng puso ko noong tinanong nya ako.
W-wag mong sabihin nagkagusto ka Sheena sa lalakeng nambully sayo dati."H-hindi ah." inis na sabi ko.
"Ahahaha.. Obvious naman na may gusto ka sa kanya. Ayos lang, total wala naman ako pagasa sa'yo, sa simula pa lang." malungkot nya na sabi.
"Oi." tawag ko sa kanya.
"Salamat at pumayag ka makipag-date sa akin." nakangiti nyang sabi.
"Makakahanap ka din ng babaeng para sa'yo." sabi ko sa kanya, at inakbayan ko sya.
Kahit hindi sya nagconfess sa akin, napaka-obvious na hindi ko sya sasagutin.
Pagkatapos ng Date namin ay sumakay na sya sa bus. Ako naman ay naisipan ko na maglakad-lakad muna.
Habang naglalakad ako ay nakita ko si Miyuna, kasama ang anak nya pati asawa. Ayoko ko muna sila istorbohin.
Sumunod na araw.
"Kamusta Date nyo ng Foreigner na 'yon?" tanong ni Miyuna sa akin.
"Masaya naman." sagot ko.
"Mukhang hindi." nakasimangot na sabi ni Miyuna.
P-paano?!
"Dibale, atleast may ka-date ka ngayong taon. Kahit hindi naging kayo."
"Ehhhh.."