Forget the Past - Chapter 9

1 0 0
                                    


Yoshimitsu's Point of View


2 araw ang lumipas na umalis ako sa Toyosaki Shrine, namimiss ko na si Majime. Kahit naging harsh sya sa akin. Nasa kwarto ako ngayon, nakahiga, at tulala.


Babalik pa ba kaya ako? Baka kapag bumalik ako baka ganon pa din yung mangyayari.


Narinig ko na may kumatok sa pinto. Agad ko pinuntahan ito, at binuksan ang pinto. Yung secretary ko nga pala, siguradong galit na sya sa akin.


"May problema ba sa ibang District?" tanong ko sa kanya.


"Nahanap na namin kung saan nakatira si Toyosaki Majime." sabi ni secretary.


"Nasaan sya ngayon?" tanong ko.


"Nasa District 4, isa syang waitress sa isang Cafe." paliwanag nya.


"Salamat sa impormasyon." sabi ko.


"Tsaka, ako na bahala sa trabaho mo. Magpagaling ka, at magkasundo na kayo ng babaeng nagpunta dito noong nakaraang linggo." sabi ng aking secretary.


Madami talagang nalalaman ang secretary ko.


Bukas, babalik ulit ako sa Toyosaki Shrine.


Total naman nakapag-check up ako kahapon, at may binigay na gamot na binigay agad sa akin.


Sumunod na araw.


Nakarating ako sa aking destinasyon, pagakyat ko sa Toyosaki Shrine ay napansin ko na wala si Majime. Siguro tulog, kaya naisipan kong puntahan si Mina sa kusina.


Pagpunta ko sa kusina ay may narinig akong may naguusap.


"Naranasan mo na iniisip mo palagi yung isang tao? Ano ibig sabihin noon?" tanong ni Majime kay Mina.


"Ibig sabihin may gusto ka sa kanya. Bakit meron ka na bang interest sa kanya?" tanong ni Mina sa kanya.


"Noong umalis sya ng walang paalam sa atin, bigla akong nalungkot, hindi man lang sya nagsasabi na aalis lang sya. Kung naging maayos lang ako sa kanya." malungkot nya na sabi.


May nararamdaman sya sa akin? Parang hindi kapani-paniwala.


Gusto ko sana sya lapitan, kaso nga lang pinigilan ko lang sarili ko. Napag-pasyahan ko na pumunta na lang sa malaking puno para magpahinga.


Tumabi ako sa puntod ng aking anak, at binigyan ko ng bulaklak.


"I-ikaw?" gulat ng isang pamilyar na boses.


Napalingon ako, si Majime pala iyon. Nilapitan ko sya, at napansin ko na nagpapakipot nanaman sya.


"B-bakit ka andito, bigla-bigla ka lang aalis, tapos babalik ka ulit dito. Sinasayang mo lang lakas mo." sabi nya.


"Sinunod ko lang yung sinabi mo na tumigil ako sa paninigarilyo, at pagcheck-up ko sa aking sakit." sabi ko sa kanya.


"W-wala akong sinasabi sa'yo." sabi nya.


"Meron, kaso nga lang lutang ka nung sinabi mo sa akin 'yon." paliwanag ko sa kanya.


Hindi sya nakaimik, siguro naalala na nga nya. Napangiti na lang ako sa kanyang reaksyon. Hinawakan ko ang kanyang ulo, at ginulo ko ang kanyang buhok.


"Parehas lang tayo, namimiss natin ang isa't isa. Pasensya na, kung hindi ako nagpaalam sa'yo. Tsaka, pasensya na sa lahat. Hindi kita minamadali.. Aantayin ko yung sagot mo." sabi ko sa kanya.


Umiling sya, at niyakap nya ako.


"Tabihan mo ako mamaya." sabi nya.


"Eh.." gulat ko.


"D-dibale na nga, biro ko lang 'yon." sabi nya, at binitawan nya ako sa pagyakap.


Kaso nga lang, niyakap ko sya ulit, kaso sobrang higpit dahil sa tuwa.


"Masusunod."


"Amoy sigarilyo ka pa din."

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now