Her Crush - Chapter 13: W-What?!

4 2 0
                                    


Diana's Point of View


Dahil malapit na ang Cultural Festival ay naghahanda na ang mga estudyante, at ang mga gurong katulad ko ay nagmomonitor sa kanilang ginagawa.


Bumalik ako sa Faculty Office, nakita kong tulog na tulog si Nikki, nagulat ako na 1am na. Kaya pala tulog na tulog itong babae na ito.


"Magpahinga ka na din." sabi ni Sanae, at binigyan ako ng sandwich.


"Salamat, tsaka inaantok na din ako." sabi ko.


"Matulog ka muna, ako na bahala sa pagmomonitor." sabi ni Sanae, at lumabas na sya ng Faculty Office.


Napansin ko, hindi naman ako ganito kapag nagpupuyat ako. Inaantok na agad ako, sa ganitong oras. May problema ba sa akin?


Baka pagod ko lang ito.


Sumunod na araw.


Pinagpahinga ako ni Sanae sa Clinic dahil bigla sumama yung pakiramdam ko. Bale kami lang ni Jude dito sa Clinic, seryoso sya sa kanyang binabasa na libro.


Tapos, may estudyante na pumasok sa loob ng Clinic dahil hinimatay ang kanyang kaklase. Agad silang lumabas ni Jude, at napansin ko na nagvavibrate yung cellphone ko. Pagtingin ko may message si Sanae.


Yung binasa ko yung message ay nagulat ako sa nabasa ko.


B-baka buntis ako?!


"Ano?!" gulat ko.


Sakto pumasok sina Jude kasama ang hinimatay na estudyante.


Bumangon ako sa hinihigaan ko, at nagmadaling umuwi. Alam ko na si Sanae ang magmomonitor, bale bukas ako ang magmomonitor ulit.


Alam ko nagbibiro si Sanae sa sinabi nya sa mensahe. Oo, biro lang nya iyon.


Pinapunta ko si Finis sa aking apartment, at kinausap ko sya kung ano yung senyales na nabuntis sya dati.


"Eto, hindi ka ba nagkakaroon ngayon? Mabilis ka ba mapagod? Nahihilo ka ba?" tanong ni Finis sa akin.


Lahat ng sinabi nya, totoo.


"O-oo." sabi ko.


"Ibig sabihin, buntis ka. Tapos si Jude ang ama!" sabay tili nya.


"Shhhh! Wag mo sasabihin ito kay Jude!" sabi ko.


"Ayan ka nanaman, iiwasan mo ulit sya? Kahit anong iwas mo sa kanya ay malalaman, at malalaman nya din yan dahil lalaki yung tiyan mo." sabi ni Finis sa akin.


Tama din naman sya.


"Osha, sasabihin ko sa kanya." sabi ko.


Sumunod na araw.


Habang inaayos ko yung Gradesheets sa mga estudyante ay nakaramdam ako ng hilo. Pinikit ko saglit ang aking mga mata, hinay-hinay ko idinilat ang aking mga mata.


Lalo pang lumala ang aking hilo.


"Nikki, alalayan mo ako sa Clinic." utos ko sa kanya.


"M-may problema ba M-ms. Diana?!" pagalala nyang tanong.


"Nahihilo ako." sabi ko.


"Tara!" sigaw ni Sanae, at kinarga nya ako papuntang clinic.


Pagpunta sa Clinic ay agad nya ako pinahiga, tinignan ko si Nikki. Sobrang nagalala sya, si Sanae handa na suntukin si Jude. Kahit hindi ko sinasabi sa kanya nalalaman nya.


Pagpasok ni Jude ay susuntukin na sana ni Sanae ito kaso napigilan sya ni Nikki.


"May problema ka ba Genderless?" tanong ni Jude sa kanya.


"Bakit hindi mo tignan si Diana para malaman mo?" galit na sambit ni Sanae.


Nilapitan ako ni Jude, hinawakan nya ang aking pisngi. Halatang nagulat sya, alam na nya.


"Buntis sya." sabi ni Jude.


"Eh?!" sabay nilang dalawa.


"S-sino yung ama?" tanong ni Sanae.


"Ako bakit?" matapang na sagot ni Jude.


"Ano?!" gulat nilang dalawa. "Kailan pa?!"


"Mahabang dahilan." sabi ko.


"Pakisabi na lang na maaga kaming uuwi ni Diana." pagpaalam ni Jude, at kinarga nya ako.


Agad lumabas si Nikki, tapos si Sanae ay nilapitan si Jude.


"Alagaan mo magiging anak nyo." sabi ni Sanae sa amin.


"Masusunod." sabi ni Jude.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now