Drawn in Passion - Chapter 12: Meanwhile

1 0 0
                                    

Sheena's Point of View


"Sheena, nakikiusap ako na bantayin mo ang anak ko sa linggo. May pupuntahan kami ng asawa ko." pakiusap ni Miyuna sa akin.


"Ha?" gulat ko.


"Sige na, bihira lang humingi ng favor yung kaibigan mo eh." sabi ni Miyuna sa akin.


"Pwede mo sya iiwan sa amin." masayang sabi ni Manager Jin.


"Osha, si Manager na nagsabi." sabi ko.


"Hep hep.. Hindi ka makakatakas."


Dumating ang linggo.


"Bakit may dala kang bata?" galit na tanong ni Kenshin sa kapatid nya.


"Mamaya naman sya kunin ng nanay, at tatay nya eh." sabi ni Manager Jin sa kapatid.


"Tita Sheena, ang suplado naman ng lalakeng yan." sabi ni Miumi sa akin.


Bigla kong pinigilan ang tawa ko sa sinabi ni Miumi. Ang bata pa lang grabe na magsalita, iba talaga kapag dugong gangster.


Tinignan ko si Kenshin, sobrang sama ng tingin nya sa bata.


Kinarga ni Manager Jin si Miumi, at pumunta sila sa Living Room. Tapos ako naman ay hinila ni Kenshin sa kanyang kwarto.


"Bakit pa kasi nagdala ng bata si Kuya." inis nyang sabi habang nakahiga sya sa hita ko.


"Ayaw mo ba sa bata?" tanong ko sa kanya.


"Panggulo sa buhay ang mga ganyang bata." inis nya na sabi.


"Akala mo hindi naging matigas ang ulo dati sa magulang eh." mahinang sabi ko sa kanya.


"Narinig ko 'yon," sabi nya, at bumangon sya.


"Bakit mo nanaman ako hinila sa kwarto mo? Reference nanaman?" tanong ko sa kanya.


"Namiss lang kita." sabi nya, at hiniga nya ako sa kanyang kama, at humiga sya sa dibdib ko.


K-kalma lang Sheena!


"Tita Sheena!" sigaw ni Miumi, at padabog nyang binuksan ang kwarto.


Lumapit sya sa amin, at tumabi sa aming dalawa ni Kenshin.


"Tita Sheena, kayo ba ni Tito Suplado?" tanong ni Miumi sa akin.


"E-eto.."


"Kami nga, may angal ka?" galit na tanong ni Kenshin sa kanya.


"Wala naman po, tabi naman ako sa inyo." sabi ni Miumi, at sumiksik sya sa amin.


"Ayoko talaga ng bata." sabi nya, at napa-facepalm sya.


Natawa na lang ulit ako.


Dumating ang gabi.


Hindi ko namalayan na nakatulog pala kaming tatlo. Nakayakap si Miumi kay Kenshin, bumangon ako, at lumabas sa kwarto nya.


Nagulat ako na umiiyak si Manager Jin.


"M-may problema?" tanong ko sa kanya.


"H-hindi ko alam na kayo na ng kapatid ko. Kailan pa?" tanong nya sa akin.


"M-matagal na."


"M-masaya ako na ikaw nagustuhan ng kapatid ko!" sigaw nya, at niyakap nya ako.


"Oi, bitawan mo sya." sabi ni Kenshin.


"Masyadong seloso." tampo ni Manager Jin. "Osha, magluluto na muna ng hapunan natin." sabay punta nya sa kusina.


Pagpunta ni Manager Jin sa kusina ay nagulat ako na bigla nya akong niyakap, sabay halik sa akin.


"K-kenshin." gulat ko sa kanya.


"Anong oras pupunta magulang ng bata, gusto ko nang gawin." sabi nya.


"Mamaya-maya, tsaka itigil mo nga 'yan. Paano kung malaman mo na buntis ako, ano gagawin mo?" tanong ko sa kanya.


"Hindi ko alam." sabi nya.


"Umiinom ako ng gamot, para maiwasan ko na mabuntis ako." sabi ko sa kanya.


Napakamot sya ng ulo, at tinignan nya ako. Napansin ko na may yumakap sa akin. Nagulat ako na si Miumi pala ang yumakap sa akin.


"Mama, nasaan si Mama." tanong nya.


Narinig namin na may nagdoorbell. Siguro sina Miyuna, at yung asawa nya.


Pinuntahan namin ni Miumi iyon, na makita nya ang Mama, at Papa nya ay masaya syang nakita ito, at nagpakarga sya sa kanyang Papa.


Nagpaalam na sila umalis, tapos nagbigay sila ng souvenir.


Tapos kumain na kami ng hapunan.


Nagdesisyon ako na dito muna manatili, dahil sobrang gabi na.


Habang nagpinagmamasdan ko si Kenshin sa ginagawa nya ay napaisip ako sa sinabi nya sa akin. Dahil naging illustrator sya dahil sa akin.


Napansin ko na inaantok na sya.


Tumayo na sya sa upuan, at nilapitan na nya ako.


"Matulog na tayo." bulong nya sa akin.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now