Long Lost Way - Chapter 4: Hard to Care

5 2 0
                                    

Tsugi's Point of View


Kinaumagahan.


Habang nagwawalis ako ng bulok na dahon ay nakita ko si Miumi na kumakain magisa. Anong klaseng ina iyon, hindi man lang sinasabayan sa pagkain sa umaga.


Akala ko okay na magiging buhay ko, mukhang nagkakamali ako.


"Papa, aalis na ako." paalam ni Miumi sa akin.


"Ingat ka." sabi ko.


Napatingin ako sa labas, nakita ko na may nagtsi-tsismis na dalawang babae, at nakatingin sa akin. Haist..


Pagkatapos ko maglinis sa labas ng bahay ay bumalik na ako sa loob. Tulad ng dati, linis lang inatupag ko.


Kinagabihan.


Hindi ko namalayan na nakatulog ako.


Pagbangon ko ay sobrang sakit ng aking ulo.


Hinay-hinay ako naglakad papuntang kusina. Nagulat ako na may humawak sa aking braso.


"Nakaluto na ako ng hapunan, naasikaso ko na si Miumi, magpahinga ka muna." sabi nya sa akin.


Hindi ako makasalita sa sakit ng aking ulo. Naramdaman ko na hinawakan nya ang aking noo."May lagnat ka." sabi nya.


L-lagnat?!


"I-imposible yung sinasabi mo." sabi ko.


"Ang tigas ng ulo mo." sabi nya, at inalalay nya ako papuntang Living Room, at pinahiga sa sofa.


"Matulog ka muna." sabi nya.


Kinaumagahan.


Paggising ko ay nawala na ang bigat ng katawan ko, at sakit ng aking ulo. Pero, napansin ko na nagsusulat si Miumi. Na makita nya ako ay napangiti sya.


"Papa, magaling na kayo?" tanong nya sa akin.


"Oo." sabi ko, at bumangon.


"Yey! Magaling na si Papa. Kaso si Mama naman ang nagkaroon ng lagnat." malungkot nya na sabi.


A-ano?


Agad ko sya pinuntahan sa kanyang kwarto. Nakita ko syang hirap matulog, basang-basa ang kanyang damit, at pawis na pawis.


"M-miumi, sabi kong wag kang pumasok ng kwarto." sabi nya habang nahihirapan sya."Hindi ako si Miumi." sabi ko.


"E-eh, bakit ka andito?!" gulat nya.


"Ano pa ba? Sinabi ni Miumi na may lagnat ka, mukhang nahawaan kita." sabi ko, at tinanggal ko ang mga butones sa kanyang damit.


"A-anong ginagawa mo?" tanong nya.


"Pawis na pawis ka, gusto mo bang lumala sakit mo?" tanong ko sa kanya.


"Pabayaan mo na ako." sabi nya.


"Hindi kita pwede pabayaan, kasalanan ko na nahawaan ka ng sakit ko." sabi ko, at inihubad ko ang kanyang damit.


Pinunasan ko ang kanyang pawis, at pinasuot ko sya ng bagong damit. Tapos, pinainom ko sya ng gamot.


"Magpahinga ka." sabi ko sa kanya.


"D-dito ka muna." sabi nya, at hinawakan nya ang braso ko.


"Sige." sabi ko, at tinabihan ko sya sa kanyang pagtulog.


"Sabi ko manatali ka lang dito, hindi tumabi sa akin." sabi nya sa akin.


"Alam ko, tsaka hindi pa ako masyado magaling. Kaya, sabay tayo magpagaling." sabi ko sa kanya, at tumalikod sa kanya.Hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now