Nikki's Point of View
Araw ng Cultural Festival, nasa eskwelahan ako ngayon para tignan ang mga ginagawa ng mga estudyante. Nakaka-enjoy talaga.
Kaso, hindi nakapunta si Diana dahil makakasama sa kanya ang pagod.
Pagdating ko sa isang Horror Booth ay nakita ko si Kishi na nakatayo doon. Bakit sya andito, akala ko nasa trabaho sya ngayon?
"B-bakit ka andito?" tanong ko sa kanya.
"Naisip ko na magdate tayo." sabi nya sa akin, at hinila nya ako papasok ng Horror Booth.
Lumipas ng ilang minuto nakalabas kami sa Horror Booth. Buti hindi masyadong nakakatakot sa loob.
"Sayang akala ko matatakot ka." sabi nya.
"Hindi ako matatakot sa mga ganyan." sabi ko sa kanya.
"Osha, sa ibang booth naman." sabi nya.
'Hi Ma'am Nikki." bati ng dalawa kong estudyante.
"Boyfriend mo Ma'am?" tanong ng isa.
"Ang gwapo naman, Sir pwede magselfie sa inyo?"
"Syempre naman." payag nya.
Pagkatapos nila magpa-picture ay lumapit sya sa akin, at hinawakan ang aking kamay. Tinignan ko sya, at inaalala noong una ko syang nakilala.
Masyado syang seryoso noong una ko syang nakita, walang pake sa paligid, at masyadong bossy. Pero, noong tumagal nagiging okay sya sa akin.
"2 taon agwat mo sa akin." sabi ko sa kanya.
"Oo nga no, akala ko magkasing-edad tayo." sabi nya. "Tara, sa ibang booth naman." sabay hila nya sa akin.
Dumating ang hapon.
Sa labas ng school ay inantay namin si Sanae, habang inaantay namin sya ay kumakain kami ng Cotton Candy.
"First Time ko naging masaya sa Cultural Festival. Noong High School ako, nakatutok ako sa pagaaral. Walang oras makipagkaibigan." kwento nya sa akin.
"Bakit mo dito naisip magdate tayo sa Cultural Festival?" tanong ko.
"Hindi ako magaling sa mga lugar kung saan pwede magdate ang magasawa. Kaya naisip ko dito na lang." sabi nya.
"Hmmm.." sabi ko.
"Tsaka, may ibibigay ako sa'yo." sabi nya.
Kinuha nya ang maliit na kahon sa kanyang bulsa, at binuksan nya ito. Ang laman nito ay isang sing-sing. Kinuha nya ang kaliwang kamay ko, at isinuot nya sa akin.
"Nikki, papakasalan mo ba ako?" tanong nya sa akin.
Nagsasawa na ako tumakbo sa realidad. Alam ko balang araw mawawala din si Kishi sa akin, at lalo na ako.
"Oo." sagot ko.
"Eh, mukha kang napipilitan eh." tampo nya sa akin.
"Ito na talaga ugali ko, w-wala ka nang magagawa." sabi ko.
"So kailan ang kasal?" tanong ni Sanae sa amin.
"Wag ka nga susulpot." inis na sabi ni Kishi.
Paguwi namin sa bahay nakita ko na may kausap si Kishi na isang babae. Tapos, nakita nila kaming tatlo. Agad sya lumapit sa amin, at minadali nya kaming pumasok sa loob.
"Nakauwi na pala kayo, Master." sabi ni Tsugi.
"Sino yung babae?" tanong ni Kishi sa kanya.
"Kaibigan ko lang po, inaya nya ako sa isang Reunion." sabi ni Tsugi.
"Bakit hindi ka pumunta doon. Puro ka na lang trabaho, magenjoy ka muna sa buhay mo." sabi ni Kishi.
"Masusunod Master." sabi ni Tsugi, at umalis ito.
Pagpasok naming dalawa sa kwarto ay nagulat ako na niyakap nya ako.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Obvious ba?"
Bumitaw sya sa pagyakap, at humiga na sya sa kama para matulog.
Boring, masyadong boring.