Tsugi's Point of View
Linggo.
Pagkatapos ko maligo ay nakita ko na natutulog si Miyuna sa sofa. P-paanong?
Naalala ko kaninang madaling araw, naririnig ko syang kinikilig sa kanyang kwarto. Siguro sa binabasa nyang libro. Ang tanong.
Paano sya nakapunta dito?
Dibale, ibabalik ko na lang sya sa kanyang kwarto.
Pagkarga ko sa kanya ay nagulat ako na dumilat ang kanyang mga mata, at tumingin sya sa akin."A-anong gagawin mo sa akin?" gulat nya.
"Ibabalik kita sa kwarto mo, tsaka hindi ako nakatulog sa ingay mo kagabi." reklamo ko.
"Papa, Mama, bati na kayo?!" sigaw na tanong ni Miumi sa amin.
Sa gulat ko ay naihulog ko si Miyuna.
"Ah!" sabay naming gulat ni Miumi.
"A-aray." sabi ni Miyuna sa sakit.
"Oo, bati na kami ng mama mo. Osha, ihahatid ko muna si Mama mo sa kwarto nya." sabi ko, at kinarga ko ulit si Miyuna.
"Papa, gagawa kayo ni Mama?" tanong nya.
S-saan nya nakukuha ang mga salita na 'yon?!
"H-hindi anak, pagod si Mama mo hindi makatulog sa trabaho nya." dahilan ko kay Miumi.
"Sige po, magbabasa lang ako ng libro." sabi nya.
Sa kwarto ni Miyuna.
Paglapag ko sa kanya sa kama ay napahawak sya sa kanyang bewang, sobrang sakit ata ng pagkahulog nya.
"Pasensya na." hingi ko ng tawad sa kanya.
Hindi nya ako pinapansin.
"Hindi ko naman iyon sinasadya eh." sabi ko sa kanya.
Hindi pa din nya ako pinapansin.
Tch..
"Bahala ka dyan sa buhay mo." sabi ko sa kanya.
"Sa wakas, pinakita mo na yung ugali mo." sabi nya. "Ahahaha.. Pare-parehas kayong mga lalake mga walang kwenta." dagdag nya.
"Nasobrahan ka lang sa binabasa mo na libro." sabi ko sa kanya.
Anong pwede para makatulog siya?