Nikki's Point of View
Paguwi ko ay nakasalubong ko si Tsugi, kasama nya si Kishi. Napansin ko sa mukha ni Kishi na galit sya.
"Nakabalik na kayo Miss Nikki." sabi ni Tsugi.
"Nakabalik na ako." sabi ko.
Hindi sya tumitingin sa akin, galit nga talaga sya.
"Tsugi, doon muna ako sa apartment ko mananatili." sabi ko.
"May problema po ba Miss Nikki?" tanong ni Tsugi sa akin.
"Kailangan ko muna mapag-isa." sabi ko.
Kapag kakausapin ko sya siguradong magagalit lang sya sa akin.
Sumunod na araw.
Sa eskwelahan.
Habang binabantayan ko ang mga estudyante ko sa kanilang final exam ay hanggang ngayon naaalala ko pa din yung mukhang galit ni Kishi.
Ayoko pa din umuwi, sigurado hindi pa din nya ako papansinin.
"Ma'am Nikki." tawag sa akin ng estudyante.
"Ito na po yung testpaper." sabay bigay sa akin. "Kanina po namin kayo tinatawag hindi kayo namamansin. Kaya naisipan namin na ipasa na lang." sabi nya.
"Ah, pasensya na." sabi ko.
"Magpahinga po kayo, wag nyo pagurin sarili nyo." sabi niya, at lumabas na sya ng classroom.Dumating ang gabi.
Pagkatapos ko bumili sa Convinience Store ay nakita ko si Kishi, nakasandal sa may poste.Nilapitan nya ako, at hinawakan nya ang aking kamay.
"Sa susunod kapag aalis ka sabihin mo sa akin." sabi nya.
"Pasensya na." sabi ko.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad, dapat ako ang humingi ng tawad sayo. Sa sobrang kong pagaalala sayo kinain ako ng galit." sabi nya. "Tapos, isang linggo ako sa business trip. Sinabi sa akin ni Tsugi na sobrang lungkot mo."
Sinabi ko na wag nya sabihin.
"Palagi naman akong malungkot." sabi ko.
"Pero, sobrang lungkot mo. Babawi ako." sabi nya.
Paguwi naming dalawa ay basang-basa kami, kinuha ni Tsugi ang aking binili. Dumiretso ako sa aming kwarto, dumiretso naman sa banyo si Kishi para maligo.
Lumipas ng kalahating oras ay nakabalik na sya sa kwarto.
"Mukhang naghintay ka ah." sabi nya.
"Sanay naman ako." sabi ko.
"Mukhang na-miss mo yung dating mong tirahan." sabi nya.
"Pasensya na, kung bigla-bigla akong aalis." pagpaumanhin ko sa kanya.
"Wala 'yon, medyo nakain lang ako ng galit. Akala ko kung saan ka na nagpunta." sabi nya.
"Magi-isang linggo na tayong magasawa wala pa tayong ginagawa."
"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya.
"Malamang hahalikan kita." sabi nya, at hinawakan nya ang aking pisngi, at inilapit nya ang kanyang mukha para halikan ako.
Habang hinahalikan nya ako ay nagulat kami na may kumatok sa pinto.
"Master, tulog na po ba kayo?" tanong ni Tsugi.
"Tsk.. Istorbo talaga." sabi ni Kishi.
"I-ibig sabihin, gagawin natin iyon?" tanong ko sa kanya.
"Ha? Syempre hindi, ayoko pa magkaroon ng anak." sabi ni Kishi, at pinuntahan nya si Tsugi.
Kinabahan ako, akala ko gagawin na namin iyon.
"Haist.." buntong hininga ko.
Pagkatapos kausapin ni Kishi si Tsugi ay lumapit sya sa akin. Tapos may hawak sya na plastik."Pwede natin gawin iyon, magsusuot lang ako." sabi ni Kishi.
"M-matulog na lang tayo, medyo inaantok na din ako." natataranta ko na sabi.
"Alam mo ba, kapag ginawa natin iyon ay madali tayo makakatulog?" bulong nya sa akin, at hinalikan nya ang aking leeg.
Iba talaga ang lalake na ito, bigla-bigla nagbabago ang ugali nya ng walang dahilan.