Hanayori's Point of View
Tinignan ko ng maigi yung benda sa aking kanang kamay. Habang tinititigan ko ang kanang kamay ko ay naalala ko yung mga nangyari na sinigawan ko si Naito, binasag ko yung salamin sa galit.
"Oi."
Haist.. Ang bagal ng oras.
"Oi."
Sana bukas tapos na ang araw na nanatili ako sa condominium na ito.
"OI!" sigaw sa akin ni Naito.
"Eh?!" gulat ko.
"Nagiisip ka nanaman ng suicide ano?" tanong nya sa akin.
"Oo." sabi ko, at napaisip ako. "Ah, hindi!" sigaw ko sa kanya.
"Haist.." buntong hininga nya.
Narinig ko na may nagdoorbell sa Condo ni Naito, tumayo ako sa upuan, at pinagbuksan ng pinto ang taong nagdoorbell. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako na kaibigan pala na ni Naito ang nagdoorbell.
"Andito si Naito?" tanong ng babae sa akin.
"O-oo." sagot ko.
Nagulat ako na tinitigan nya ako, at hinawakan nya ang aking mukha.
"Pamilyar ka sa akin, nakita na kita sa Book Fair." sabi nya sa akin.
N-naalala ko na ang kaibigan ni Naito ay isang fan sa aking mga Light Novel.
"E-eto." mautal-utal ko na sambit.
"Dibale." mataray nyang sagot, at pumasok na sya sa loob.
Pagpasok nya sa loob ay agad akong pumasok sa aking kwarto. Ayokong magpakita, baka kapag tinignan nya ako ay malaman nya na ako si Hanayori Hanabusa, nasa Condominium ni Naito.Baka magkaroon lang ng issue.
Matutulog muna ako.
Several hours later..
Pagdilat ng aking dalawang mata ay napansin ko na may isang hindi pamilyar na mukha ang nasa harapan ko. Sa sobrang labo, ay kinamot ko ito, at pagdilat ko ay nagulat ako na andito pa din yung kaibigan ni Naito.
"WAAHH!!" sigaw ko sa takot.
"Sabi ko na, ikaw si Hanayori Hanabusa!" sigaw nya sa akin.
Imbis na maganda ang gising ko, biglang kumulo ang dugo ko. Agad akong bumangon sa higaan, at lumabas sa kwarto para puntahan si Naito sa Sala.
"Oi!" sigaw ko sa kanya.
"B-bakit?!" gulat nya.
"Bakit mo sya pinapasok sa kwarto? Muntikan na akong atakihin sa puso!" sigaw ko sa kanya.
"Pinagsabihan ko na sya, kaso hindi nakinig sa akin." paliwanag nya sa akin. "Kasalanan mo din, dapat ni-lock mo." dagdag pa nya.
Lalo pang uminit ulo ko.
"Nakakainis ka kahit kailan!" sigaw ko sa kanya, at bumalik na ulit ako sa kwarto.
Hanggang ngayon andito pa din sya.
"Parang magasawa lang kayo." asar nya sa akin.
Hindi ako umimik, umupo ako sa kama, at kumalma saglit.
"Ms. Hanayori, penge autograph." sabi nya sa akin, at binigay nya yung libro.
"Haist.." buntong hininga ko, at kinuha ko ang libro para lagyan ng autograph.
"Hindi pala ako nagpakilala sa iyo, ako si Lin Mei." pakilala nya sa akin.
Binigay ko sa kanya yung libro, at tinitigan ko sya ng masama.
"Ms. Lin Mei, sa susunod kumatok ka muna bago pumasok. Hindi yung basta basta ka pumapasok. Aatakihin ako sa'yo." sabi ko sa kanya.
"Sorry, habbit ko na kasi eh." natatawa nyang sabi, at napakamot ng ulo. "Salamat sa autograph, uuwi na ako. Inantay lang kita magising para sa Autograph."
Y-yung totoo?!
Paguwi ni Lin Mei ay napabuntong hininga na lang ako, at nakaramdam ng gutom. Pagupo ko sa sofa ay nagulat ako na binigyan ako ni Naito ng Cheese Bread.
"Gutom ka diba, kumain ka." sabi nya, at binigay nya sa akin ang tinapay.
Kinuha ko yung tinapay, at kinain ko ito.
"Pasensya na, pinigilan ko sya kaso ang tigas ng ulo." sabi nya.
"Ayos lang, mapapatawad ko pa sya. Hindi katulad mo." sabi ko sa kanya.
"Haist.. Hindi ka pa din ba maka-move on?" tanong nya sa akin.
"Kapag nakikita kita naaalala ko yung mga sinabi mo sa akin na masasakit na salita. Akala mo madali lang makalimot?" inis na sabi ko sa kanya.
"Ah gusto mo makalimot?" galit na tanong nya sa akin.
"Oo, gusto kong makalimot." mahina na sabi ko sa kanya.
"Ah ganon." sabi nya, at hinawakan nya ang aking baba sabay halik.
T-totoo ba nangyayari ito, o panaginip lang?
Pagkatapos nya akong halikan ay tumayo na sya sa sofa, at tinignan nya ako.
"Ayan, makakalimutan mo na yung mga nasabi ko sa'yo." sabi nya sa akin, at pumasok na sya sa kanyang kwarto.
Hindi ko alam kung makakalimutan ko agad-agad itong nangyari na ito.
Gusto ko na lumayas sa lugar na ito.