Sheena's Point of View
"Bakit ako mag-aalaga sa kapatid mong tanga?!" gulat ko sa pabor ni Manager Jin.
"Sige na, bibigyan kita ng Day-Off kapag nahawaan ka ng kapatid ko." pagmamakaawa nya sa akin.
Wala ako nagawa kundi gawin iyon.
Nakita kong hirap sa pagtulog si Kenshin, naalala ko trabaho nya isang illustrator ng Light Novel. Ano kinain nya bakit nya napili ang trabahong 'yon?
"B-bakit ka andito?" tanong nya sa akin.
"Napilitan akong alagaan ka, parehas kayo ng kapatid mo nakakainis." naiinis na sabi ko.
"M-masaya ako na ikaw magaalaga sa akin." sabi nya.
"Ako hindi!"
Pagkatapos ko sya painumin ng gamot ay nakatulog na sya.
Tinignan ko yung ginagawa nya, at ang kalendaryo. B-bukas na nya ipapasa iyon, tapos nagkasakit pa sya. Lumingon ako sa kanya.
Anong gagawin ko? Kung tutulungan ko sya para matapos ang Deadline nya ay babalik ulit ang sakit sa aking braso. Dibale, matagal-tagal na din hindi nakaguhit. Sana, magaling pa din ako.
Lumipas ng ilang oras.
"Natapos din!" sigaw ko.
Nakaramdam ako ng sakit sa braso ko pagkatapos kong mag guhit. Ipa-check up ko ulit ito. Bago muna, matutulog muna ako. Saan ako matutulog?
Sa sahig o sa kanya?
A-anong pinagsasabi ko?!
Wala na akong choice kundi matulog sa tabi nya, wala na akong pake na mahawaan ako. Inaantok na ako eh.
3 hours later.
Nakaramdam ako na may humawak sa aking pisngi. Pagdilat ko ay nagulat ako na gising na si Kenshin.
"G-gising ka na pala." sabi ko sa kanya, sabay bangon ko.
"Ikaw pala nagtapos ng Deadline." sabi nya. "Salamat." dagdag nya.
"W-wala iyon, sinubukan ko lang ulit magguhit." sagot ko. "Dibale, total magaling ka na ay uuwi na ako."
"Aalis ka agad, hindi ko pa nabibigay sa'yo yung reward." sabi nya.
Bigla akong kinilabutan sa sinabi nya.
R-reward?!
"S-salamat na lang, uuwi na ako." nataranta ko na sabi.
Napigilan nya agad ako sa pagalis, napapikit na lang ako kinakabahan ako sa gagawin nya. Pero, napansin ko may nilagay sya na bagay sa aking kanang kamay. Nagulat ako na isang Medjed Stuff Toy ang binigay nya sa akin.
"Haist.." buntong hininga ko.
"Ano ba naisip mo na reward? Ahh.." sabay ngisi nya, at hinila nya ako papalapit sa kanya. "Total, wala naman si Kuya ay gagawin ulit natin iyon." sabi nya, at hinalikan nya ako.
"Kasama din ba ito sa pambubully mo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi, tsaka tinigil ko na ang pambubully ko matagal na panahon." sabi nya, at niyakap nya ako.
"Bakit mo ito ginagawa?" tanong ko sa kanya.
"Dahil, gusto kita." sabay pahiga nya sa akin sa kanyang kama.
Lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Habang hinuhubad nya ang aking damit ay hindi ko namalayan na umiiyak ako.
"Bakit ka umiiyak? Sabihin mo lang kung ayaw mo." sabi nya sa akin.
"H-hindi sa ganon, bakit kapag ginagawa natin ito biglang bumibilis ang tibok ng puso ko? May gusto na ba ako sa'yo?" tanong ko sa kanya.
Pinunasan nya ang aking luha, at ngumiti sya.
"Parang ganon na nga."
Hahalikan ulit sana ako na biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto."Kenshin!" tawag ni Manager Jin sa kanya.
"Wag ka ngang istorbo!" sigaw nya sa kapatid nya.
"P-pasensya na, m-magpagaling ka muna."
"Wag kang masyadong maingay." bulong nya sa akin.
"O-oo." sagot ko, at niyakap ko sya.