Mina's Point of View
Lumipas ang 1 taon ay nagpakasal kami ni Banryuu, at nagdesisyon kami na tumira sa Toyosaki Shrine. Dahil may trabaho si Ban ay tuwing dayoff lang sya nakakapunta dito.
"Kamusta ang aking asawa, at ang anak ko?" tanong ni Ban sa aming dalawa.
"Ayos lang naman." sabi ko.
Naisipan kong bumalik sa pangatlo kong tirahan para tulungan si Majime sa mga gawain nya. Tsaka, gusto kong bumawi sa kanya.
"Tita Majime, gusto kong mabasa lahat ng mga libro mo." sabi ni Keisaku sa kanya.
"Halika, at magbabasa tayong dalawa." sabi ni Majime.
Si Majime, mahina sa pakikipagusap sa ibang tao. Pero, pagdating sa mga libro ay nagiging close nya ito tulad ni Keisaku. Pasalamat ako, at hindi naging pala-away si Keisaku.
"Sa edad ni Keisaku, kailangan na nyang maturuan ng pagdepensa, at pakikipaglaban sa mga kakalaban sa kanya." sabi ni Ban.
"Oi, sabi ko sa'yo wag mo syang tuturuan." inis na sabi ko.
"Depensa lang naman, hindi ko naman sya tuturuan makipagaway." sabi nya.
"Doon din naman tutungo 'yon!" sigaw ko sa kanya.
"Ehhhhh.."
Dumating ang gabi.
Tapos na kaming kumain ng hapunan, pinatulog na ni Majime si Keisaku, ako naman ay nasa harap ng Shrine, nagpapahangin kasama si Reo pati ang mga bago nyang anak na kuting.
"Habang tumatagal, lalo kang tumataba Reo." sabi ko sa kanya.
"Andyan ka pala."
Napatingala ako kung sino ang nagsalita, si Ban pala. Tumabi sya sa akin, at kinuha nya si Reo para panggigilan nya.
"1 taon na tayong kasal, wala pa din nangyayari sa atin." sabi nya.
"Ano?!" gulat ko.
T-totoo naman na wala pa naman nangyayari sa amin. Gusto naman namin gawin kaso nga lang wala lang talagang oras, tsaka nakakalimutan pa.
"S-sa susunod na linggo na lang, h-hindi pa ako handa, bigla-biglaan mo lang kasi sinasabi sa akin eh." sabi ko sa kanya.
"Kung 'yan sabi mo." dismayado nyang sabi.
Hindi mo ako madadala dyan.
"Matanong ko lang, ano ulit nagustuhan mo sa akin?" tanong nya sa akin.
"Eh, nakalimutan mo agad? Haist.." buntong hininga ko, at hinawakan ko ang pisngi nya.
"Pagiging makulit, curious, at kabaitan mo." sagot ko.
"Ganon ba?" sabi nya, at hinalikan nya ako.
"Oo, tsaka matulog na tayo." sabi ko sa kanya, at kinuha ko si Reo sa kanya.
Kinaumagahan.
Aalis ulit si Banryuu para magtrabaho uli.
"Babalik ulit ako sa susunod na linggo." sabi nya sa amin.
"Wag mo na sabihin, alam namin 'yon." sabi ko sa kanya.
"Basta magingat kayo dyan." sabi nya sa akin, at hinawakan nya ang aking ulo.
"Kailan kami bibisita kela Lolo, at Lola?" tanong ni Keisaku sa kanya Papa.
"Sa Pasko na tayo pupunta, pangako ko 'yan." sabi nya kay Keisaku, at ginulo nya ang buhok nito.
Pagalis ni Banryuu ay bumalik na si Keisaku sa kanyang pagbabasa ng libro. Kami na lang naiwan ni Majime ang naiwan, at tumingin sya sa akin sabay salita nya.
"Mahal nyo talaga ang isa't isa." sabi ni Majime.
"Makakahanap ka din ng lalakeng magpapasaya sa'yo." sabi ko sa kanya.
"Sana nga." sabi nya.
Kung hindi sa kanya, hanggang ngayon mananatili pa din akong negatibo sa aking buhay, at takot pa din sa mga taong lalapit sa'yo.
Masaya ako, at nakilala ko sila.
"Tulungan mo pala ako maglinis ng storage room." sabi ni Majime sa akin.
"Oh sige."
-END