Fueru's Point of View
Maulan na gabi, sobrang sarap ng tulog ni Ashell, tapos nasa salas naman si Ritai naglalaro ng PS4. Ako naman ay nasa kusina, nagbabasa ng mga newsfeed sa social media.
Sa sobrang kakabasa ko sa mga newsfeeds hindi ko namalayan ang oras.
Nakaramdam na ako ng antok, at pinatay ko na ang aking phone. Paglabas ko sa kusina ay nagulat ako na biglang nagbrownout. Nabitawan ko ang aking cellphone sa biglaang brownout, nararamdaman ko na nanginginig ang aking katawan sa takot.
"Eek!" gulat ko.
Bigla kong naalala noong bata pa ako.
Lumaki akong walang magulang, nabuhay magisa, sinusuportahan ng Landlady.
Sa sobrang kakaisip ko ay hindi ko namalayan na bumalik na ang kuryente.
"Waaaaah! Hindi ko na-save progress!" sigaw ni Ritai.
Kinuha ko ang aking cellphone, at ramdam ko pa din na nanginginig ang aking mga kamay. Ito talaga ang ayaw ko na panahon eh.
Pagtingin ko kay Ritai ay nakatingin din sya sa akin, tapos napangiti sya. Sa mga ngiti nya may balak na, agad ako naglakad pabalik sa kwarto kaso napigilan nya agad ako. Nahawakan nya ang aking braso, at hinila nya ako papunta sa kanya.
"Natatakot ka ba?" tanong nya sa akin.
"Hindi ako natakot, nagulat lang ako." sabi ko.
"Ehh.. Talaga?"
Bigla akong nagulat na biglang nag blackout ulit. Bigla ako napayakap kay Ritai sa takot, naramdaman ko na hinawakan nya ang aking ulo.
"Akala ko hindi ka takot?" tanong nya.
Nakakainis, bakit ko napapakita ang kahinaan ko sa lalake na ito? Ito ba talaga kapag gustong-gusto mo ang isang lalake? Ang pagiging Gangster ko nawawala sa lalake na ito.
Napansin ko na bumalik na ulit ang kuryente. Agad ko sya tinulak mula sa kanyang pagkayakap, at napakamot na lang ako ng ulo.
"Maglaro ka na lang." galit na sabi ko sa kanya.
"Dito ka lang." sabi nya, at hinawakan nya ang kamay ko.
"Inaantok na ako gusto ko na matulog!" reklamo ko sa kanya.
"Bilang amo, manatili ka dito." utos nya sa akin.
Ang alam ko trabaho ko dito maglinis ng bahay, at bantayan ang pamangkin nya. Hindi yung kung anong gawin naming kababalaghan!