Diana's Point of View
Habang nagbabasa ako ng libro ay napansin ko na umuulan.
Tumingin ako sa labas ng bintana, nakita ko si Jude papunta dito sa aking apartment. P-paano nya nalaman na dito ako nakatira?
R-ryouma!!
Natataranta na ako, anong gagawin ko?!
*ding *dong
"Ahhhhh!!" gulat ko.
Wag kang kabahan Diana, wag kang kabahan please.
Lumapit ako para buksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay lalo akong kinabahan dahil akala ko si Jude. Si Sanae pala.
"Diyos ko, wag mo naman ako takutin!" sigaw ko kay Sanae.
"Ahahaha! Sarap mo talaga pagtripan." sabi ni Sanae sa akin.
Binigyan ko ng damit na maisusuot si Sanae, at naghanda ako ng tsaa na maiinom nya.
Pagkatapos nya magsuot ng damit ay tumabi sya sa akin.
"Alam mo yung nawala ka, nalungkot si Nikki, lalo na yung manyakis na manliligaw mo." sabi ni Sanae.
"Sanae, diba sabi ko sa'yo na kaya hindi muna ako nagtrabaho dahil gusto ko na syang kalimutan," sabi ko sa kanya.
"Bakit, kapag babalik ka ulit doon maaalala, at maaalala mo pa din sya." sabi ni Sanae. "Sa totoo, noong nawala ka. Naging matamlay si Jude. Kinuwento nya sa akin ang lahat, dati palang babae na nagkagusto sa kanya at ni-reject nya ito ng maraming beses." dagdag nya.
"Ayoko pa din." sabi ko.
"Kung 'yan gusto mo. Osha, matutulog muna ako dito." sabi ni Sanae.
"Haist.. Hindi ka pa din nagbago." sabi ko sa kanya, at hinawakan ko ang kanyang ulo.
"Hehe.. Namiss ko yung paghawak mo sa ulo ko." sabi nya parang aso.
Lumipas ng isang linggo.
Kasalanan ni Sanae ito, imbis na nakalimutan ko na sya. Bigla ko pa din sya naaalala.
Nasa parke ako ngayon, nagmumuni-muni.
Tinitignan ko ang paligid ng parke. Hindi ko alam ang gagawin ko, ganito ba yung gustong-gusto mo ang isang lalake?!
Naiinis ako!
"Nakakainis, bakit ko pa sya nakilala." sabi ko, at tinakpan ko ang aking mukha.
Napansin ko na may humawak sa aking balikat, tinignan ko kung sino yung humawak sa aking balikat. Nagulat ako na si Jude iyon.
"Parang nakakita ka ng multo ah." sabi nya.
Traydor ka Sanae.
"Bakit ka andito?" tanong ko sa kanya.
"Nakita kita eh. Tsaka, habang hindi ka pa pumapasok iniisip mo pa din ako ano?" asar nya sa akin.
Kailangan ko na maging honest.
"Oo." sagot ko.
Halatang nagulat sya.
"Yung nakita kitang hinalikan ka ng babaeng iyon, medyo nasaktan ako, kaya nawalan ako ng tiwala. Akala ko ang hindi ko pagpasok ay solusyon para makalimutan kita. Hindi pala." sabi ko.
"Ibig sabihin iniisip mo ako?" tanong nya sa akin.
"Oo."
"Alam mo ba na ilang buwan na ako hindi nakakatulog dahil sa nangyari. Gusto ko sana humingi ng tawad sa'yo kaso wala ka. Iniiwasan mo ako." sabi nya sa akin.
"Pasensya na." pagpaumanhin ko.
Alam kong galit na sya, alam ko na ang gagawin nya sa akin. Tatanggapin ko kung anong gagawin nya sa akin, dahil naging duwag ako.
"Ikaw magiging pantulog ko." sabi nya.
"Eh?" gulat ko.
Tumayo sya, at bigla nya akong kinarga. Kargang prinsesa.
Madaming nakatingin sa amin, ang iba kinikilig sa amin, ang iba kinukuhaan kami ng litrato."I-ibaba mo nga ako!" sigaw ko sa kanya.
Hindi nya ako pinakinggan, nagsimula na syang maglakad papunta sa kanyang Condo.
Pagdating sa Condo ay diniretso nya ako sa kanyang kwarto, nilapag nya ako sa kanyang kama, at hinalikan nya ako ng ilang segundo.
"H-hindi ako makahinga." sabi ko sa kanya.
"Pasensya na." sabi nya, habang hinuhubad nya ang kanyang damit.
Hinubad nya ang aking damit, at hinalikan nya ako sa iba't ibang parte ng katawan. Tapos, hinubad nya ang aking short pati ang aking panloob.
Napapikit na lang ako sa sobrang hiya.
Nakita na nya ang buong katawan ko.
"Ang ganda ng tanawin." sabi nya.
"Wag mo nga tignan!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi ko mapigilang tignan." sabi nya. "Ayos lang ba sa'yo kung.." naputol nyang sabi.
"G-gawin mo na." sabi ko.
"Sabihin mo kung masasaktan ka." sabi nya sa akin.
Nung ipinasok nya ang kanyang bagay sa akin, at nakaramdam ako ng sakit. Pero, nung tumagal ay nakaramdam ako ng kakaiba.
Pagkatapos namin magtalik ay pinagmasdan ko na natulog si Jude.
Ang gwapo nya habang tulog sya.