Alone Person - Chapter 2

1 0 0
                                    

Ban's Point of View


Hanggang ngayon curious pa din ako sa babaeng iyon.


Agad ako bumalik sa Pet Shop para kausapin si Mao kung anong pangalan ng babae. Buti sa Pet Shop ng pinsan ko bumibili ang babaeng iyon.


A-ang pangalan nya ay Mina Itoshiki.. Saan ko sya mahahanap?


"Mao, kailan ko ulit makikita yung babaeng 'yon?" tanong ko.


"Aba malay ko, isang beses sa dalawang linggo sya pumupunta dito!" sabi ni Mao.


"Ehhh.."


"Ehhh ka dyan, bakit ka curious sa babaeng 'yon, wag mo sabihin nagustuhan mo na sya agad?" tanong nya sa akin.


"Parang ganon na nga."


"Huh? Sira ulo ka ba?"


"Sira na sa sira, gusto ko syang makita." sabi ko.


Napansin ko na may pumasok sa Pet Shop, nagulat ako ay sya ang pumasok sa loob, at pansin kong natataranta sya, at namumutla.


"M-may problema ba Miss?" tanong ni Mao sa kanya.


"S-si R-reo bigla syang nakaramdam ng sakit, h-hindi ko alam gagawin ko, ayoko syang mawala. 


Ayoko syang mawala tulad nila Mama, Papa, Tito, at Tiya!" paiyak nya na sabi kay Mao.


"K-kalma lang Miss, akin na si Reo, e-examine ko muna sya." sabi ni Mao, at pumunta agad sya sa kanyang Papa.


Nasa likod lang ng Pet Shop yung Vet, kaya nagpupunta ang ibang customer nila sa kanila dahil malapit ito.


Napansin ko na tinakpan nya ang mukha nya dahil umiiyak sya. Mukhang nahihirapan sya sa sitwasyon nya, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya.


Gusto ko sya samahan sa problema nya.


Nilapitan ko sya, at niyakap ko sya.


"Wag kang magalala, alam kong walang mangyayaring masama sa pusa mo." sabi ko.


Niyakap nya ako pabalik, at naramdaman ko na pinunas nya luha nya sa damit ko.


Lumipas ang isang oras ay lumabas si Mao, napansin ko bakit may mga dugo sya sa damit nya, at may dugo din ang gloves nya.


"Miss, yung pusa mo si Reo nanganak. Limang kuting ang inilabas nya." masayang sabi ni Mao.


"E-eh, a-akala ko lalake sya." sabi nya.


"Eh, hindi mo alam yung gender nya?" gulat ni Mao.


Napaluhod siya, at napabuntong hininga sya.


"A-akala ko kung ano nangyari sa kanya." kabado nyang sabi.


"Nakakatuwa, inalagaan mo ng matagal si Reo, hindi mo alam yung Gender nya." patawa na sabi ni Mao.


Tinignan ko sya, napansin ko na parang natutulog na sya.


"Mukhang nakatulog." sabi ko.


"Pakisabi sa kanya na kapag nagising sya. Dito muna ng 1 linggo ang alaga nya. Kaming bahala sa mga kuting." sabi ni Mao. "Tsaka, libre na din ito." sabay kindat nya sa akin.


Kinarga ko sya palabas ng Pet Shop. Eto, hindi ko alam kung saan bahay nya. Kaya iuuwi ko muna sya sa amin.


Pagbalik ko sa pamamahay ay nagulat ang mga bantay na may dala akong babae. Eh kasi 1st time ko lang magdala ng babae, sa sobrang busy sa pag aaral at trabaho nakalimutan ko na maghanap ng babae para sa akin.


"Master, girlfriend nyo?" tanong ng isang bantay.


"Malapit na." sabi ko.


Naalala ko pala, anak ako ng isang Yakuza. Ang aking pangalan ay Banryu Akehito, isang manager sa isang Family Restaurant.


Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko sina Papa, at Mama.


"Naku, sino iyang babaeng 'yan?" tanong ni Mama sa akin.


"W-wag mong sabihin na--"


"Kalma lang kayo, hinimatay lang sya sa Pet Shop ni Mao akala nya mamamatay na ang pusa nya." paliwanag ko.


Napansin ko ang dissappointed nilang pagmumukha.


"W-wag kayong magalala Ma, Pa, baka sa susunod na buwan o linggo mapapasa-akin sya." sabi ko.


"Wag mong sabihin sya yung nagustuhan mong babae?!" gulat nilang dalawa.


Umiling ako, at ramdam ko ang saya nila.


Kahit kinakatakutan kami sa buong district ay may kabaitan din kami. Nirerespeto kami ng mga tao, at syempre kami din. Dahil kapag may sakuna tumutulong kami.


Pagdating ko sa kwarto ay inihiga ko siya sa aking kama, tapos tumabi ako sa kanya.


Nagulat ako na niyakap nya ako, tapos nagsasalita sya habang tulog.


"R-reo." sabi nya.


Mukhang makakatulog ako ng maaga.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now