Mina's Point of View
Paggising ko ay nakaamoy ako ng mabangong amoy, bumangon ako, at lumabas ng kwarto para puntahan yung kusina. Pagpunta ko doon ay nagulat ako na andito si Banryu.
"B-bakit ka andito?!" gulat ko.
"Ang bilis mo naman makalimot." sabi nya, habang nagluluto.
"Inaantok na ata ako noon kaya hindi ko maalala na pinasok kita sa loob ng bahay." sabi ko.Seryoso wala talaga akong maalala.
Tsaka, bakit suot nya yung damit ng pinsan ko?!
"Ah salamat pala sa damit na pinahiram mo, bukas ko ibabalik, tsaka kumain ka na ng almusal.
Aalis na ako." paalam nya.
"Wala talaga akong maalala." sabi ko.
"Ayos lang, ang mabuti ay nakatulog ka ng maayos kahit naistorbo kita." sabi nya, at ginulo nya buhok ko.
Pagalis nya ay napakagat na lang ako ng labi dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"B-bakit ganito, kapag andito ka hindi ako mapakali, at sobrang bilis ng tibok ng puso ko?"
tanong ko sa kanya.
"Ibig sabihin may gusto ka sa akin." sabi nya.
"P-paano?!" gulat ko.
"Hmmm.. Depende sa'yo 'yan, malalaman mo naman na gusto mo yung tao. Hindi naman kita pipilitin na maging Girlfriend kita agad. Gusto ko malaman kung ano nagustuhan mo sa akin, nasabi ko naman yung sa'yo eh." paliwanag nya.
"S-sige." sagot ko.
"Male-late na ako, tsaka may trabaho ka din diba, sabay na tayo." sabi nya.Habang nagaantay kami ng Bus ay nagsalita sya.
"Hindi na pala girlfriend, magiging asawa na lang, total doon din naman didiretso." sabi nya.
"A-asawa?!" gulat ko.
"Para hindi na kita papakawalan." sabi nya.
"Ganon ba talaga kayo, seryoso kayo sa isang tao." gulat ko, at tumayo na sa upuan dahil paparating na ang bus.
Sa trabaho.
Habang naglalagay ako ng mga tinapay sa shelves ay nilapitan ako ng aking boss, at may binigay na ticket.
"Para saan 'to boss?" tanong ko sa kanya.
"Pumunta ka sa Resorts kasama mga kaibigan mo." sabi nya. "Tsaka, magpahinga ka utos ng boss mo ito!" dagdag nya.
Tinitigan ko yung ticket, at tinignan ko si Boss.
"Boss, wala akong kaibigan." sabi ko.
"Paano ka nabuhay na walang kaibigan?" tanong ni Boss sa akin.
"Hindi ko alam." sabi ko.
"Basta pumunta ka dyan, kapag hindi ka pumunta ay babawasan ko yung sweldo mo." pananakot sa akin ni Boss.
Kinagabihan.
Hindi ko alam kung sino yayayain ko dito, sa totoo lang wala talaga akong kaibigan. Nasa utak ko ngayon si Banryu, sya lang naman kilala ko, tsaka nakakaabala kung kakausapin ko yung pinsan nya.
"Andito na ako." masayang sabi ni Ban.
"Wala ka bang bahay?" inis na tanong ko sa kanya.
"Gusto ko lang makita yung babaeng gusto ko." sabi nya, at tumabi sya sa akin. "Para saan yung ticket?" tanong nya.
"Sabi ng boss ko pupunta ako sa Resort na ito, kundi babawasan nya sweldo ko." malungkot ko na sabi.
"Ehhh.. Bakit hindi mo 'ko yayain, at si Mao?" tanong nya sa akin.
"Eh?"
"Patingin nga ng ticket." sabi nya, at kinuha nya ang isa. "Sakto, wala akong pasok sa araw na ito." masaya nyang sabi.