Hanayori's Point of View
Tinignan ko ang thermometer kung ilan ang temperatura ng katawan ko. Pagtingin ko ay nasa thermometer ay nasa 34 degree temperature. Medyo okay na ako.
"Ayos ka na anak?" tanong ng Auntie ni Naito sa akin.
"Oo." sagot ko sa kanya.
"Mukhang hindi ka makakasama sa Summer Festival." sabi nya sa akin, at binigay nya sa akin ang gamot para sa lagnat.
"Oo nga eh." sabi ko.
Sanay naman ako magisa.
"Magpagaling ka na lang." sabi ng Auntie ni Naito, at lumabas na ng kwarto.Bakit ba ako sumama kay Naito? Nakalimutan ko na kung bakit. Siguro, dahil may nararamdaman ako sa kanya.
Sinasabi ko sa'yo Hanayori, hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya.
Humiga ulit ako sa higaan, at natulog ulit ako.
*-*
Fueru's Point of View
Habang nagluluto kami ni Manager Klein ng almusal ay nagulat ako na lumapit sa akin si Naito."Pwede ba tayo magusap?" tanong nya sa akin.
Anong kailangan nya?
"Busy ako." galit na sagot ko sa kanya.
"Mukhang importante ang sasabihin niya Fueru, ako na bahala dito sa pagluluto. Pakinggan mo mga sasabihin nya." sabi ni Klein sa akin.
"Sige na nga." sabi ko, at tinanggal ko na ang aking apron.
Lumabas kami ng kusina, at nagusap kami sa sala.
"Ano paguusapan natin?" tanong ko sa kanya.
"May nagustuhan na bang lalake si Hanabusa?" tanong nya sa akin.
"Meron." mabiliis na sagot ko.
Naaalala ko kung paano nasaktan si Hanayori noong High School pa kami.
"Yung nagustuhan nyang lalake, kaso niloko sya." sabi ko sa kanya. "Sinabi ng lalake sa kanya may gusto sya sa kanya, dahil walang kaalam-alam si Hanayori ay pinagtripan sya nito. Noong nagconfess sya sa lalake ay pumalakpak sya sa harap ng kaibigan ko, at sinabihan ng masasamang salita. Pinaglaruan nya ang nararamdaman ng kaibigan ko, kapag naaalala ko kung paano umiyak, at nasaktan si Hanayori." kwento ko sa kanya.
"Kaya pala sinapak mo ako dati." sabi nya sa akin.
"Oo, dahil sinaktan mo sya kahit sa libro lang iyon." sabi ko, at napasara ako ng kamao.
"Bakit mo sya niyaya sa Blind Date?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko alam kung bakit ko sya niyaya. Siguro, bilang kaibigan nya gusto ko sya ulit mainlove sa lalakeng mapagkakatiwalaan nya." sagot ko kay Naito.
T-teka, bakit ako humuhugot, at kinukuwento sa kanya ang nakaraan ni Hanayori?
"Seryoso ka ba sa kanya?" tanong ko sa kanya.
"Oo." mabilis nyang sagot.
"Wag ka na umasa, dahil ako makakatuluyan ni Hanayori." biro ko sa kanya.
"Homo." sabi ni Naito.
Tumayo na ako sa Sofa, at tinignan ko sya.
"Susuportahan kita, sana sagutin ka ni Hanayori, at kapag sinaktan mo sya. Black eye ka sa akin." babala ko sa kanya, at bumalik na ako sa kusina.
*-*
Naito's Point of View
Umaakyat ako sa hagdanan papuntang 2nd Floor. Pagakyat ko ay nakita ko si Hanayori na pinipilit maglakad.
"Hanabusa." tawag ko sa kanya, at nilapitan ko ito. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
"P-pupuntahan ko si Fueru." sabi nya sa akin.
"Tatawagin ko na lang sya, bumalik ka na lang sa kwarto." sabi ko sa kanya.
"Pwede ba, pabayaan mo ako. Kaya ko naman sarili ko!" sigaw nya sa akin.
Napatingin sya sa akin matapos nya ako sigawan, napakagat sya sa labi, at naglakad papalayo sa akin. Alam ko kung bakit ayaw mo mainlove ulit.
Naiintindihan kita.
Siguro, hindi ikaw ang babae para sa akin.
Isang linggo na lang, aalis ka na sa Condominium ko.
Simula ngayon, kakalimutan ko na may gusto ako sa'yo.