Long Lost Way - Chapter 2: Knowing You

3 2 0
                                    

Tsugi's Point of View


"Miumi!" sigaw ng isang babae.


"Mama!" sigaw nya.


Miumi pala ang pangalan ng aking anak.


"Ayoko na bumalik sa'yo, hindi mo mahal si Papa!" sigaw nya, at niyakap nya ako.


"Miumi, kailan mo ba ako papahingain sa kaka-sermon sa'yo?" tanong nya.


"Titigil ako kapag minahal nyo si Papa!"


Eh, 8 years old pa lang ang bata na ito masyado na advanced ang utak.


Tumayo ako, at kinarga si Miumi, tapos tinignan ko ang babaeng kinuhaan ko ng dignidad."Pagbigyan mo ako na makasama ko ang aking anak." sabi ko.


Hindi sya makasalita, hindi nya alam kung ano sasabihin nya. Iniwasan nya ako, at tumalikod sya.


"Ikaw bahala." sabi nya.


"Sa atin titira si Papa?!"


Ano?!


"Oo, para tumigil ka sa kaka-pasaway mo sa akin." inis nya na sabi.


Magpapa-buntis ka, tapos hindi mo kaya alagaan ang anak mo.


Pagdating namin sa kanilang bahay ay agad nya kinuha si Miumi, at dumiretso sa kwarto. Alam ko na isa lang akong istranghero sa kanilang bahay.


Kinagabihan.


Naisipan ko na matulog na lang sa kanilang Living Room. Nakahiga ako ngayon sa Sofa. Hindi ako mapakali, nasanay na ako may ginagawa ako kapag gabi.


Ano pwedeng gawin?


"Papa." tawag sa akin ni Miumi.


"Bakit?" tanong ko, at bumangon ako.


"Kwentuhan nyo ako." sabi nya. "Noong wala kayo sa tabi ko, ano yung mga ginawa nyo?" tanong nya.


"Nagtrabaho sa aking kaibigan bilang katulong." sagot ko.


"Mahirap ba yung trabaho nyo?" tanong nya.


"Sa una, pero noong tumagal nasanay na. Alam mo, noong panahon na ganitong edad mo basagulero ako." sabi ko.


"Diba masama mang-away?" tanong nya.


"Oo masama ang mang-away, sila kasi nauna kaya ayon gumanti ako sa kanila. Kung hindi ko nakilala si Master, hanggang ngayon basagulero pa din." sabi ko.


"Yung Master nyo ba yung gwapong lalakeng katulad mo?" tanong nya.


"Oo." sagot nya.


Nagkwentuhan kami hanggang sa nakatulog na sya sa akin. Pati ako, hindi ko namalayan na nakatulog na ako.


Paggising ko ay wala na si Miumi sa tabi ko.


"Magandang umaga Papa!" sigaw ni Miumi, at niyakap nya ako.


"Magandang umaga din." sabi ko. "Nasaan Mama mo?" tanong ko sa kanya.


"E-eto, may trabaho sya sa umaga kaya ako nagaayos sa aking sarili." paliwanag nya.


"M-magluluto muna ako ng almusal mo." sabi ko sa kanya.


Napansin ko na hindi na nalilinis ang bahay na ito.


Lumipas ng kalahating oras ay pumasok na sa eskwelahan si Miumi.


Lilinisan ko muna ang bahay nya.


Lumipas ng mahabang oras ay nalinis ko na ang buong bahay pwera sa kwarto ng babae na 'yon.


Bahala na kung magalit sya sa akin, total sa kanyang bahay ito. Nakikitira lang ako para makilala ko ng lubusan si Miumi.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now