Majime's Point of View
Ako si Majime Toyosaki, 27 years old, isang Priestess sa Azuna Province.
Hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan ang araw na 'yon. Isang lalakeng kumuha ng aking pagka-babae. Ang pinaka-kinatakutan ko ay makita sya.
Sumama ako kay Mina dahil may pupuntahan silang huling lamay. Ang pagka-alala ko ay yung Auntie ng asawa nya, matagal-tagal na din ako hindi nakakapunta sa syodad.
Ang huling punta ko dito ay yung namasyal kami ni Papa.
"Majime, sabihin mo kapag hindi maganda pakiramdam mo ah." sabi ni Mina sa akin.
"Salamat sa pagaalala sa akin." sabi ko.
"Tita, andito na tayo." sabi ni Keisaku sa akin.
Pagpasok namin sa loob ng isang malaking bahay ay bigla akong nakaramdam ng hilo. Hindi na talaga ako sanay na umalis, o gumala man lang.
"Ayos ka lang." sabi ni Mina sa akin.
"H-hindi maganda ang pakiramdam ko." sabi ko.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng pamilyar na boses.
"Ban, saan yung magiging kwarto nya?" tanong ni Mina sa kanya.
Nanlalabo na ang paningin ko, wala na akong marinig na boses.
Lumipas ang mahabang oras ay nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, at may isang hindi pamilyar na lalake na nakaupo sa tabi ng kama ko. Bumangon ako, at tinignan kung sino yung lalakeng kasama ko sa kwarto na ito.
Pagtingin ko sa kanya ay bigla akong napahiga agad sa takot.
Y-yung lalake n-na..
"Gising ka na pala." sabi nya.
Anong gagawin ko? Akala ko asawa ni Mina yung nagbabantay sa akin, hindi pala. Kinakabahan ako, b-baka..
"Wag kang magalala, wala akong gagawing masama." sabi nya.
Wow ah.
"Tsaka, pasensya na din noong 6 na taon na nakaraan." sabi pa nya. "Hindi ko alam kung bakit ko nagawa sa'yo 'yon. Siguro, dahil sa aking stress, at depression ko kaya nagawa ko 'yon." paliwanag nya sa akin.
Dahil lang doon?!
"Pupuntahan ko si Ban, sasabihin ko na gising ka na." sabi nya, at lumabas na sya sa kwarto.Paglabas nya ay bumangon ako, at napadasal na lang sa takot.
"Anong gagawin ko, tulungan nyo 'ko." sabi ko.
Lumipas ang mahabang oras ay pumasok ang magasawang 'yon, si Mina ang nagmadaling nagpunta sa akin dahil madali syang magalala.
"Ayos ka lang, dapat hindi na lang kita sinama." sabi ni Mina.
"A-ayos lang ako, tsaka wag kang masyadong magalala." sabi ko sa kanya.
"Nakakapagtataka, bigla-biglang nagdedesisyon si Yoshimitsu na bantayan ka sa kwarto. Ang weird.." sabi ni Ban.
"May problema ba doon?" tanong ni Mina.
"Never pa kasi syang lumapit, o kumausap sa isang babae. Paano kasi may problema sya sa mga babae lalo na sa ganitong sitwasyon." paliwanag ni Ban sa amin.
Hindi nyo kasi alam na sya yung lalakeng kumuha ng pagka-babae ko.
"Tsaka, may sinabi sya sa akin, 6 na taon ang nakalipas may pinagsamantalahan syang babae.
Sabi nya isang Priestess, masyado nyang pinagsisihan ang nangyaring 'yon kaya nagtrabaho sya bilang bakla sa Host Club." kwento nya sa amin.
"Wag mong sabihin na si Yoshimitsu iyon Majime?!" tanong ni Mina sa akin.
"Eh?" gulat ni Ban.
"Tama ka, sya 'yon." sabi ko.
"Eh?!" sabay nilang gulat.
"9 na buwan ko dinala ang batang 'yon, kaso noong isinilang ko sya ay namatay ito, dahil sa sobrang hina ng kanyang puso." paliwanag ko sa kanila.
"Suntukin ko na ba sya?" tanong ni Ban sa akin.
"W-wag na, ang nakaraan ay nakaraan, kinalimutan ko na 'yon." sabi ko.
"Anong gagawin mo?" tanong ni Mina sa akin.
"Hindi ko alam." sabi ko.