Kishi's Point of View
"Lalabas muna ako." sabi nya sa akin.
"Magpasama ka ng mga guwardiya." sabi ko.
"Hindi na kailangan, kaya ko magisa." sabi nya, at lumabas na sya ng kwarto.
Ang weird ng babae na 'yon. Yung unang natulog sya sa tabi ko, sobrang layo nya sa akin, tapos kapag may ichecheck sya na mga testpapers, at sinusulat ang mga grado ng mga estudyante ay andoon sya sa library.
Alam naman nya na ipapakasal kami, pero bakit parang diring-diri sya sa akin.
Narinig ko na may kumatok sa pinto, ang pumasok sa loob ay si Tsugi.
"Master, ito na po ang documents na pinapahanap mo sa akin." sabi ni Tsugi, at pinaabot nya ito sa akin.
"Ang weird ng babae na 'yon." sabi ko.
"Paano nyo nasabing weird sya?" tanong ni Tsugi sa akin.
"Yung mata nya walang buhay, tapos layong-layo sya sa akin." sabi ko.
"Syempre, kapag ako ang babae ay matatakot ako sa inyo dahil first time lang kita nakita, at nakilala tapos hindi ko alam ang iyong ugali." paliwanag ni Tsugi sa akin.
"Oo alam ko iyon." sabi ko, at binuksan ang envelope.
"Lumabas pala si Miss Nikki, pumunta sya sa kanyang apartment." sabi ni Tsugi sa akin.
"Oo, alam ko iyon." sabi ko.
"Gusto nyo bang sundan ko sya? Mukhang magisa lang sya pupunta doon." tanong sa akin ni Tsugi.
"Wag ka lang magpapahalata, gusto ko malaman kung ano talaga si Nikki Taichi." sabi ko.
"Masusunod po." sabi nya, at lumabas na sya sa kwarto.
Naalala ko, ipinakita sa akin ni Papa yung litrato ni Nikki. Sinabihan nya ako na sya ang babaeng papakasalan ko. Dahil busy ako sa trabaho ko ay wala akong oras makipaglandian sa mga babae, kaya pumayag na lang ako na sya yung babae na makakasama ko.
Yung una ko syang makita sa personal parang iba sya sa litrato na pinakita sa akin ni Papa.
Pero, tinanong ko si Papa kagabi kung ganon talaga ang Nikki Taichi na 'yon, ang sabi nya.
"Ganyan na talaga sya simula noong namatay ang kanyang mga magulang." sabi ni Papa.
Pagkatapos kong tignan ang mga documents ay nagulat ako na binuksan padabog ni Nikki yung pinto.
Ughh.. Nahalata ata nya.
"Sinabi ko sayong ayoko may kasama akong gwardiya mo!" galit na sabi ni Nikki sa akin.
"Pasensya na, nagalala lang ako. Gabi na kasi." paliwanag ko.
Umiwas nanaman sya ng tingin sa akin, at humiga na sya sa kama.
Kinaumagahan.
Maagang umaalis si Nikki, ayaw nyang sumabay sa aming almusal. Habang kumakain kami ay dumaldal si Sanae na magiging guro sya sa isang Public High School 1 metro lang sa amin.
"Ahh.. Nakakatuwa, hindi na ako magiging zombie paguwi mamaya dahil malapit na ang aking pagtuturuan." sabi ni Sanae.
Teka, doon din nagtatrabaho si Nikki ah.
"Sanae, may pakikiusap sana ako." sabi ko.
Kinuwento ko na ikakasal ako kay Nikki Taichi, hindi na sya nagulat dahil sinabihan na sya ni Tsugi. Madaldal talaga si Tsugi kahit kailan.
"Akong bahala, hindi ako magpapahalata na ako ang kambal mo." sabi ni Sanae sa akin.
"Mabuti naman." sabi ko.
"Dahil genderless ako." pagmamayabang nya.
"Ayan ka nanaman." sabay batok sa kanya.