Hanayori's Point of View
"S-seryoso, hinalikan ka nya, nagkatabi kayo sa pagtulog, at nagconfess sya sa'yo?!" gulat na tanong ni Fueru sa akin.
"Ayoko na mabuhay." sabi ko sa kanya.
"Hanggang ngayon wala pa din akong tiwala sa lalake na 'yon." sabi ni Fueru sa akin.Ako din naman eh, alam kong biro lang sinabi nya sa akin. Ang mga lalake ay mga mahilig mambola.
"Wag kang magalala, wala pa din akong tiwala sa kanya." sabi ko sa kanya."Mabuti naman." masayang sabi ni Fueru.
"Sige, paalam na." sagot ko sa kanya.
Pagpatay ko sa tawag ay humiga ako sa higaan, at tinitigan ang kisame. Bigla akong nakaramdam na may kumatok sa kwarto ko.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako na may isang lalake na hindi ko kilala na nasa harapan ko."Ah pasensya na, akala ko kwarto ni Naito." sabi nya sa akin. "Teka, ikaw ba si Hanayori Hanabusa?!" gulat na tanong nya sa akin.
Patay..
"Wah! Die hard fan mo ako!" masaya nyang sambit sa akin.
"H-haha.." tawa ko na lang.
Binigyan ko sya ng Autograph, at niyakap nya ako bilang pasasalamat. Lumabas na lang ako ng kwarto ko, at umupo sa Sofa.
"A-ano." paputol na sabi ko.
"Ako pala si Klein Hardtfelt, childhood friend ni Naito." pakilala nya sa akin.
Wow, foreigner.
"Ang mga magulang ko, mahal nila ang Japan kaya naisipan nila tumira dito." sabi nya sa akin.
"Diba, ikaw yung Manager doon sa may Cafe?" tanong ko sa kanya.
"Wow, you noticed me." gulat nya.
Wow.
"Alam mo kung bakit nasabi ni Naito ang mga masasakit na salita noong mga nakaraang linggo?" tanong nya sa akin.
"B-bakit?" curious ko.
"Lasing sya noong mga gabi na 'yon, alam mo naman. Kapag nasobrahan ka sa paginom ng alak, kung ano-ano na nasasabi mo." paliwanag nya sa akin.
K-kaya pala, noong nasugatan ako sa mga daliri ko bigla syang nagreact.
"Mabait naman talaga si Naito, kung titignan ng ibang tao ay panget ang kanyang ugali. Pero, kapag nakilala mo na sya ng lubusan ay malalaman mo na mabait pala sya." kwento nya sa akin.
Hmmm.. Mabait pala, wala pa din ako tiwala sa ugali nya.