Fueru's Point of View
Habang naglalakad ako pauwi galing sa market ay napagod ako dahil sa insidente na may ninakaw ang wallet ng matanda. Buti nahabol ko 'yon, at naibalik ang wallet ng matanda.
Medyo sumakit yung kaliwang kamay ko sa pagsuntok sa sahig ng kalsada. Ahh.. Dumudugo.
Pagbalik ko sa bahay ni Ritai ay nagulat ako na may babaeng nakayakap sa kanya.
"Na-miss kita." sabi niya, at hinalikan nya ito sa pisngi.
Tch.. Nagseselos ako ah.
"Oh, andito ka na pala." sabi ni Ritai, at lumapit sya sa akin. "Ito si Fueru, yung nagbabantay kay Ashell panandalian." pagpakilala nya sa akin.
"Ohh, ako si Ashley ang tita nila Ashell, at Ritai." pagpakilala nya sa akin.
Hindi sya halatang matanda.
Pumasok na kaming tatlo sa loob ng bahay, agad nilapitan ni Ashell ang kanyang tita. Tumingin sa akin si Ritai, at kinausap nya ako.
"Pwede ka muna mag day-off ng dalawang araw." sabi nya sa akin.
Ah, kailangan nila ng Privacy.
"Ah, ito yung pinabili mo." sabay bigay ko sa kanya.
Pagkuha nya ng plastik ay napatingin sya sa kaliwa kong kamay. Patay tayo dyan.
Agad ko itinago sa bulsa ng jacket ko ang kaliwang kamay ko. Tumingin ako sa kanya, at umiwas ulit ng tingin sa kanya.
"W-wala ito, wag mo lang pansinin." sabi ko, at lumabas na ako sa bahay nya.
Sumunod na araw.
"Fueru, aalis muna ako." pagpaalam ni Landlady.
"Ingat po kayo." sabi ko.
Pagalis ni Landlady ay napasimangot agad ako. Napansin ko na lumapit ang alagang pusa ni Landlady na si Tarou, at humiga ito sa aking hita.
Uwaaaah. Na-miss ko yung paghiga niya sa hita ko. Hinimas-himas ko ang kanyang ulo dahil sa sobrang miss ko sa kanya. Hindi ko napansin na ganito na sya katanda.
Huling nakita ko sa kanya noong nagkatrabaho na ako.
Noong Grade 2 ako, nakita namin ni Hanayori si Tarou. Pinilit ko si Landlady na alagaan namin ito.
Pasalamat ako na mabait nag-ampon sa akin.
"Ang tanda mo na Tarou." sabi ko sa kanya.
"Meow."
Wow, nagreklamo sya.
Dumating ang gabi.
Nakauwi na si Landlady, sakto natapos ko na lutuin ang ulam para sa hapunan. Habang kumakain kami ay napatingin si Landlady kay Tarou.
"Alam mo, masaya si Tarou na magkasama kayo ng buong araw." sabi ni Landlady sa akin."Habang tumatanda, lalong tumataba." sabi ko, at humigop ng miso soup.
Pagkatapos namin kumain ay si Landlady na lang ang naghugas ng plato. Samantala ako ay nilalambing si Tarou, masaya sya na andito ako.
"Pasensya na, kung hindi kita nakita noong mga nakaraang taon. Babawi ako hanggang bukas, dahil aalis agad ako." sabi ko sa kanya, at niyakap ko sya.
Si Tarou, parang tao din. Kailangan din nya may kasama araw-araw.
Kinaumagahan.
Habang nagtatanggal ako ng mga damo sa likod ng apartment ay napatingin ako kay Tarou. Sarap ng tulog nya, buti pa sya kain, tulog lang ginagawa nya.
Nainlove na din kaya sya sa babaeng pusa?
A-ano ba pinag-iisip ko, nakakainis ah!
Pagkatapos ko magtanggal ng damo ay naginat ako, at napatingin sa gate ng apartment.
Nagulat ako na andoon ang Tita ni Ritai, na makita nya ako ay kumaway sya sa akin.
A-ano kailangan nya?
Pinapasok ko sya, at tumabay kami sa bakuran ng bahay ni Landlady. Binigyan ko sya ng tsaa, at umupo ako sa tabi nya.
"Alam mo, hindi mapakali kahapon, hanggang ngayon si Ritai." sabi ni Ashley sa akin.
"M-may nangyari ba?" tanong ko sa kanya.
"Noong nakita nya na dumudugo ang kamay mo hindi na sya mapakali noon. Halatang may gusto sya sa'yo." sabi nya. "Halata din na gusto mo din sya." nakangiti nyang sabi sa akin.
"H-hindi ko sya gusto." natatarantang sabi ko sa kanya.
"Sus, halata naman wag na magdenied." mataray nya na sabi sa akin.
"Osha, iyon lang pinunta ko dito. Sana maging kayo ng pamangkin ko." nakangiti nya na sabi.
Hinding hindi!
Sumunod na araw.
Si Ashell lang nakita ko pagbalik ko sa pamamahay nya. Nakakainis, nakakasira ng araw. Akala ko andito sya, walang kwenta.
"Ate Fueru, laro tayo." sabi ni Ashells sa akin.
"Oh sige." sabi ko.